Sherilyn Reyes nagoyo sa negosyo kaya nabaon sa utang; rumesbak sa bashers ni Ryle | Bandera

Sherilyn Reyes nagoyo sa negosyo kaya nabaon sa utang; rumesbak sa bashers ni Ryle

Ervin Santiago |September 22,2020
facebook
share this

Sherilyn Reyes nagoyo sa negosyo kaya nabaon sa utang; rumesbak sa bashers ni Ryle

Ervin Santiago - September 22, 2020 - 12:18 PM

 

NALOKO sa negosyo ang aktres na si Sherilyn Reyes kaya nagbabayad sila ngayon sa utang na hindi naman nila nahawakan at nagastos.

Ibinahagi ni Sherilyn ang pinagdaraanang pagsubok ngayon sa kanyang Instagram account kasabay ng pagtatanggol sa kanyang anak na si Ryle Santiago laban sa bashers.

Ramdam na ramdam ng kanyang followers ang bigat sa dibdib ng aktres base na rin sa pagsasalaysay niya sa mga kaganapan sa buhay nila ngayon.

Sa unang bahagi ng kanyang IG post, nag-react si Sherilyn sa pambabatikos kay Ryle kabilang na rito ang pagtawag sa anak ng maangas at feeling sikat.

“Hindi ko maisip sa paanong paraan nagpapansin Si Ryle jamooski555. Isang halimbawa ito ng WAG MAGHUSGA NG TAO DAHIL DI MO ALAM ANONG PINAGDADAANAN.

“Hindi naka shades ang anak ko kahapon, naka tinted face shield sya na regalo ng @shopanystock. Malabo ang paningin din nya dahil dinilate ang pupil niya,” depensa ng aktres sa anak.

Patuloy pa niya, “Panay daw raket kami, OO SALAMAT SA DIYOS, sa panahon na ito, madaming raket na dumadating.

“WALA daw KAMING PERA, totoo rin! At kahit kailan lalo na sa mga kakilala ko ay never ko ikinaila na wala akong pera ngayon.

“Sa kasamaang palad, na swindle ako last year. Masaklap pero buong pamilya ko ay lumalaban araw araw at gumagapang para mabayaran ang utang na di naman amin.

“Pera na itinakbo ng iba, pera na sana ay magiging seguridad ng mga anak ko sa kanilang kinabukasan. Dalangin ko na sana hindi mo maranasan dahil mahirap at masakit,” paliwanag pa ni Sherilyn.

Nangako naman siya na tatapusin nila ang pagbabayad sa mga pagkakautang, “Gagawin mong lahat para masigurong matupad mo buwan buwan ang obligasyon mo, sa mga panahong nalulungkot ka at naiiyak, pipilitin mong ngumiti nang di rin maging malungkot ang pamilya mo.

“Na araw araw kulang na lang isigaw mo ang dasal mong sana matapos na ang problemang hindi naman dapat sa yo pero dahil maayos kang tao, inaako mo at ng pamilya mo.

“Na araw araw pinagpapasalamat mo na ang asawa mo ay nagpapakumbaba sa mga tao para makiusap dahil kayo ay naloko sa negosyo.

“Sana di mo maranasan dahil di ko gugustuhin maranasan mo o nang kahit sino ang pinagdadaanan naming,” lahad pa ng nanay ni Hashtag Ryle.

Tungkol naman sa mga nagsasabing laos na siya, “Sa 26 years ko sa Showbiz, kahit kelan hindi ko na consider ang sarili kong sumikat pero dahil sabi mong laos na ko, salamat na para sa yo ay sumikat din pala ko Kahit papano.”

“Nakakalungkot na sa gitna ng pandemya nagawa mo pa kaming laitin mag-ina na wala naman ginagawa sa yo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Galing kami sa simbahan at pinagdasal kita, halatang di ka masaya. Ipagpasalamat mong buhay ka at malusog at walang problema katulad ng akin,” ang mensahe pa ni Sherilyn.

Si Hashtag Ryle ay anak ng aktres sa dati niyang partner na si Junjun Santiago, Jr.. May mga anak na rin siya sa dating basketball player at assistant coach ngayon sa PBA na si Chris Tan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending