Aiko bawal gumawa ng mala-Glorious na pelikula: Seloso kasi ang bf ko | Bandera

Aiko bawal gumawa ng mala-Glorious na pelikula: Seloso kasi ang bf ko

Reggee Bonoan - September 02, 2019 - 12:10 AM

JAY KHONGHUN AT AIKO MELENDEZ

SA ginanap na contract signing ni Aiko Melendez sa ALV Management company ni Arnold Vegafria ay natanong ang aktres kung okay siyang tumanggap ng pelikula na may temang May-December affair tulad ng “Belle Douleur”, “Glorious” at “Malamaya.”

Ang mga aktres na nagsiganap sa mga nasabing pelikula ay sina Mylene Dizon, Angel Aquino at Sunshine Cruz.

“I can’t do kissing scenes anymore because I have two kids (Andrei Yllana at Marthena Jickain) plus I’m not allowed,” napangiting sagot ng aktres na ang tinutukoy ay ang boyfriend niyang si Vice-Gov. Jay Khonghun.

Bantay-sarado pala si Aiko ni VG Jay pagdating sa mga kasuotan nito dahil ayaw nga ng masyadong sexy.

“Super seloso kasi,” hirit ng aktres sabay tawa.

Ang sexy naman kasi talaga ngayon ni Aiko kaya hiningan ng reaksyon si Zambales Vice Governor Jay.

“Siyempre I’m very proud of her and the achievement that she gained doon sa pagpapapayat niya kasi hindi biro magpapayat – sacrifices, lalo na siya, mahilig kumain pero tinanggal niya ‘yun and everything, so I’m proud of her,” sabi ng supportive boyfriend ni Kendra, ang sikat na ngayong karakter niya sa seryeng Prima Donnas ng GMA.

Nakilala ni VG Jay ang girlfriend niya na medyo chubby pa, “Medyo on the heavy side pa nu’ng nakilala ko siya, so in two years. Siyempre ‘yung health purposes din unang-una. Siyempre when you look good, you feel good, ‘yung confidence nandoon and it will make her a better person. But whether she’s big or small, proud ako sa kanya.”

Samantala, nabanggit na magkaibigan sina VG Jay at ALV kaya ito ba ang naging daan kaya nakahanap agad ng bagong manager ang aktres?

“Actually hindi naman, it’s her (Aiko) decision kasi una sa showbiz wala naman akong alam talaga. Pero kasi si kuya Arnold at si ate Nancy (kapatid ni ALV) matagal nang magkaibigan. But si Aiko pa rin ang nagdesisyon, it’s her career. I’m just here to support her,” paliwanag ni VG.

Ang dahilan kaya umalis si Aiko sa pangangalaga ni Boy Abunda ay, “Probably is to change, wala kaming bad blood ni Tito Boy, we parted ways nang maayos. Siguro lang I just needed to reinvent myself and be in another environment. Siyempre kapag gusto mo ng change, you can’t be staying in one management, ‘di ba? So, you have to try out new things.”

Samantala, mahilig magpo-post si Aiko sa kanyang Facebook page ng mga opinyon niya sa maraming bagay-bagay.

“Oo, madalas. Sa mga politicians marami. Kasi I’m a very opinionated person. Whenever I see something wrong o not right sa taste ko and minsan siya (VG Jay) pinariringgan ko rin, hindi niya alam, malalaman na lang niya na siya pala. Ha-hahaha!”

Ang huling pinuna niya ay ang isinusulong na panukalang-batas ni Cong. Alfred Vargas, ang “No homework on weekends.” Maraming umalma sa proposed bill na ito kaya biglang binawi ng kongresista, nagkamali raw ang kanyang opisina.

“Oo nga binawi niya, nagkamali raw siya. Para sa akin, mambabatas ka big no-no! Para sa isang mambabatas na nagkamali ka sa batas na gusto mong ipasa dahil ang buhay ng tao ay nakasalalay diyan.

“Paano kung walang isang tao o mata na nakakita sa pagkakamali na ‘yun at naipasa? Ang daming guro ang magsa-suffe.

“So, sa susunod bago magpasa ng batas, basahin mo at huwag lang ‘yung staff mo, dapat ikaw mismo dahil ikaw ‘yung mambabatas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ako dating konsehala, hindi ako nagpapasa ng ordinansa na hindi ko nababasa o ng staff ko ang nakabasa lang, big no-no ‘yan,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending