Christian ‘baklang kanal’ sa Panti Sisters: Palamura, talakera
Nanatili pa ring magkaibigan sina Paolo Ballesteros at Christian Bables kahit nagkahiwalay sila after nilang gawin ang blockbuster film ni Direk Jun Lana, ang “Die Beautiful.”
Muli silang nagkasama sa bagong pelikula ni Direk Jun na “The Panti Sisters” na ipalalabas sa Sept. 13 as part of this year’s Pista Ng Pelikulang Pilipino.
“Ayun po ang maganda, never po siya nawala. Mas na-develop pa po. Iba kapag kaibigan mo na ‘yung kaeksena mo lalo na sa comedy,” pag-amin ni Christian.
“Baklang kanal” ang role ni Christian sa “The Panti Sisters”, “Ah, oo. ‘Yung tipo na walang patumangga kung magsalita. Palamura rin siya. Siguro dahil hindi ako nagabayan ng magulang ko sa movie. Kaya ang sabi sa akin, baklang kanal,” lahad ni Christian.
Same effort daw ang ibinigay niya sa kanyang role sa “TPS” tulad sa kanyang “Die Beautiful.”
“Same amount of passion ang ibinuhos ko on both films. I see to it that I give my 500 percent, 600 percent maybe sa lahat ng ginagawa ko. Pareho ng level but different preparations,” lahad niya.
Si Christian ang nanalo bilang Best Actor sa PPP last year para sa performance niya sa pelikulang “Signal Rock”.
Tinanong namin siya kung sa tingin niya siya ulit ang mananalong best actor sa PPP 2019 ng Film Development Council of the Philippines headed by Liza Dino.
“Kalimutan na ang mga ganyan, ang mga award. Basta nag-enjoy ako. I did my best, at sila din. I think walang ibang award ang makakatumbas sa joy na ibinigay sa amin na mga roles,” sagot niya.
Any moment ay magsisimula na si Christian sa next teleserye niya sa ABS-CBN, “I’ll be doing a soap with Bea Alonzo. Wala pa pong go signal sa amin para sabihin ang title. Kasama namin doon sina Rafael Rosell and Jameson Blake directed by Mae Cruz. Apat kaming magkakapatid sa story, iikot ang buhay namin kay Bea.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.