Singer-actor na madaldal sa socmed isinusuka ng 2 TV network | Bandera

Singer-actor na madaldal sa socmed isinusuka ng 2 TV network

Cristy Fermin |August 31,2019
facebook
share this

Singer-actor na madaldal sa socmed isinusuka ng 2 TV network

Cristy Fermin - August 31, 2019 - 12:35 AM

MAY mga pagkakataong mas mabuti pang manahimik na lang ang mga artista kapag may hindi kagandahan silang masasabi tungkol sa isang isyu.

Kailangang sarilinin na lang nila ‘yun dahil natatandaan ng marami ang kanilang mga pahayag. Ganu’n mismo ang nangyari sa isang male personality na mahilig mag-post ng kanyang emosyon.

Konting bagay lang ay meron nang post ang male personality na angat naman sa kanyang linya dahil talentado siya. Ang kapo-post niyang ‘yun ang nagiging dahilan kung bakit dumadalang ang kanyang mga proyekto.

Kuwento ng isang source, “Palibhasa, e, wala naman kasi siyang masyadong ginagawa, ang gadget na lang siguro niya ang binubutinting niya! Ganu’n ang mga taong walang ginagawa, kung anu-ano ang nagagawa sa buhay!

“Jusko, sa kagaganu’n niya, wala siyang kaalam-alam na marami palang nakakatanda sa mga ipino-post niya! Ayun, kapag gumagawa na ng casting ang isang serye, nabubura ang pangalan niya!

“May mga kumokontra kasing production people kapag nababanggit na ang name niya. Huwag na lang daw nilang i-cast ang male personality dahil napakahilig niyang mag-post. Baka nga naman mamaya, kapag nagkaroon ng bulilyaso sa taping, e, siya pa mismo ang mag-post nu’n!

“So, nawawala siya sa listahan. Hindi siya nagkakaroon ng project! E, kailangang-kailangan pa naman niyang magtrabaho dahil hindi naman siya mayaman,” unang chika ng aming source.

Hindi masyadong welcome ang male personality sa istasyong matagal niyang pinagserbisyuhan. Hindi rin siya welcome sa isa pang higanteng network na paminsan-minsang kumukuha sa kanya sa mga guestings. Saan na nga ba siya pupunta?

Patuloy ng aming source, “Hanggang hindi niya tinatantanan ang kapo-post, e, parami nang parami ang mga taong nasasagasaan niya!

“May mga production people ding hindi nagkakagusto sa kanya, kasi nga, wala na siyang ginawa kundi ang mag-post nang mag-post ng nararamdaman niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sayang, magaling pa naman siyang singer-actor, kaya lang, kilalang-kilala siya sa pagiging unprofessional. Siya si the late ____ (pangalan ng male personality)!

“Matagal na silang hiwalay ng misis niyang artista rin, pero friends daw naman sila. Give na give na ang mga clue, ha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending