Tekla mas nakakatawa kay Boobay; sinugalan ng GMA Films sa pelikula
FIRST it was a family dramedy. Susundan ng comedy.
Ito pa lang ang transition ng bagong-bihis na GMA Pictures then known as GMA Films.
Back in its original name ay maraming noteworthy films ang ipinrodyus ng film arm ng GMA Films, kabilang ang “Jose Rizal,” “Muro-Ami” atbp.
Ilang taon ding namahinga ang GMA Films until it sprang back to life via “Family History”, ang pelikulang pinakyaw na ni Michael V: mula pagpoprodyus, pagdidirek, pagsusulat hanggang sa pagganap as one of the main characters.
Sobrang pinaingay ng pamunuan ang publisidad nito, churning out releases as though it were one epic movie alongside the films produced by the old name na hindi dapat palampasin ng mga manonood for some goddamn reason.
Hindi kami tiyak sa rough figures na kinita ng “Family History” sa takilya, ‘di tulad ng ibang film companies na maingay kundi man iskandalosa sa pagbabando ng kanilang day-to-day gross earnings as if du’n na napunta ang kinita o sinahod ng mga tao off their 15-day work.
One thing’s for sure, “FH” did make money. Kung hindi ba naman ay hindi na sana ikinakasa ng GMA Pictures ang kanilang ikalawang offering, that of Super Tekla in a dual role.
Pansamantala munang babaklas ang TV gay gost-comedian from his tandem with Boobay (or Donita Nose) and will dauntlessly go solo.
Patunay lang ito na nakuha ni Tekla ang bilib at sampalataya ng GMA, be it the station or the film arm.
Kung ‘di ba naman, just when Tekla thought his TV career had nowhere else to go after Wowowin ay sinalo siya ng istasyon initially via left-and-right guest appearances hanggang mabigyan siya (at si Boobay) ng Sunday night program.
At kung paniniwalaan ang mga surveys as released by the TV stations, there are Saturday nights na kinakabog ng The Boobay and Tekla Show ang Gandang Gabi Vice (talaga lang, ha?).
Here’s our honest thought.
Between Boobay and Tekla, mas magaan ang uri ng pagpapatawang meron si Tekla but he’s not the type not everybody would love to watch crack his jokes. Kumbaga sa gatas, malabnaw; kumbaga sa kulay, mapusyaw. Si Boobay? Waley, he’s not at all amusing.
But then again, not to be ignored is the fact that GMA only has Tekla, at least para makipag-compete sa mga tulad niyang cross-dressers but who don’t have to look like ornaments to look funny.
Sa sobrang bilib nga sa kanya ng GMA, hayun at may launching pad na siya. Baka ang mindset ng pamunuan, Tekla can rival Vice Ganda. Sana’y nagkakamali kami as this is a wrong mindset. Malayo as in poles apart ang dalawa, kung tutuusin, no comparison pa nga.
Pero sige, let’s give it to Tekla. After all, he didn’t beg naman yata for the opportunity.
Magpasok na lang siya ng maraming kita so that the rebirth of GMA Pictures won’t go in vain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.