Maris sa paghihiwalay nila ni Iñigo: Siyempre masakit, pero kailangan…
OBVIOUSLY, walang “ghosting” na naganap sa pagitan ng ex-couple na sina Maris Racal at Iñigo Pascual.
Maayos na nagkausap ang dalawa at mutual ang desisyon nila na mag-focus muna sa kani-kanilang career para na rin sa kanilang future.
Sa nakaraang mediacon ng first movie together nina Maris at Inigo, ang “I’m Ellenya L.” nilinaw ng dalaga ang naging pahayag niya sa Tonight With Boy Abunda na nadurog ang puso niya nang dahil kay Iñigo.
Pero bago siya nagsalita, si Iñigo muna ang pinasagot niya niya sa tanong, “Iñigo, paki-clarify ‘yun!” sabay tawa ng dalaga. “Iñigo, paki-clarify mo ngayon! Kasi ako na lang lagi ang tinatanong.
“Sabihin mo! No filter! Para hindi na ako matanong in the future,” hirit pa ni Maris.
“Hindi siyempre, we went through a lot together, that’s what I always say, and may mga bagay na hindi naman natin siyempre, makokontrol.
“Things are the way they are and for me, sobra akong grateful that Maris is doing the way she is and we don’t have any bad blood, hindi kami magkagalit sa isa’t isa,” paliwanag ni Iñigo.
Sey naman ni Maris, “‘Yung sa question na ‘yun sa TWBA, gusto ko lang naman din na tawanan na lang ‘yung mga nangyari. As you can see, habang ini-interview ako ni Tito Boy (Abunda), tinatawanan ko na lang ‘yung mga tanong kasi that happened in the past.
“Yes, siyempre masakit ‘yun, nararamdaman din ‘yun but we’re happy na naka-move-on na kami and we’re still friends. ‘Yun lang naman po,” pag-amin ng Kapamilya youngstar.
Nilinaw din ni Maris na naging more than friends ang relasyon nila ni Iñigo pero hindi naging officially “sila.” Aniya, “Masasabi ko namang minahal ko naman po ‘yung tao, kasi ayoko namang mag-playtime lang.”
“Yung relationship namin never natuloy sa maging kami. Kasi nasa time kami na gusto namin na mag-focus sa career, like si Inigo ang dami niyang gustong gawin tulad sa international at ayaw ding ma-distract,” aniya pa.
Nahirapan at nasaktan din sila sa kanilang paghihiwalay ayon pa kay Maris, “Yung conversation na ‘yun nahirapan din kami, kasi that means na we have to end something. Okey lang ‘yun as long as okey naman kami sa work, friends kami. Tanggapin na lang ‘yung mga nangyayari.”
“At least now, happy naman kami sa kung ano ang mayroon kami. Clear na kasi, masaya na lahat. At wala naman akong ine-entertain na manliligaw kasi nga gusto ko munang unahin ang career ko,” dagdag pa ng dalaga.
Samantala, excited na ang dalawang Kapamilya stars sa nalalapit na showing ng unang movie nila together, ang “I’m Ellenya L” mula sa Spring Films, N2 Productions at Cobalt Entertainment.
Isa ito sa mga entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino sa direksyon ng Kapuso comedian na si Boy2 Quizon.
“Ngayon nabigyan ako ng opportunity na ipakita ang talent ko rito,” ani Maris. Dito makikita raw ng madlang pipol na hindi nakaapekto sa pelikula ang nangyari sa kanila.
“Very professional siya (Iñigo) at isine-set aside ko rin ang anumang problem na dini-deal ko. Sabi nga ni Direk Boy2 never niyang naramdaman na nag-aaway kami, hindi niya nakitang hindi kami okey. So normal naman po kami.”
Gagampanan ni Maris sa movie ang role ni Ellenya, isang vlogger na gustong sumikat nang bonggang-bongga. Ngunit may isang pangyayari na magpapabago sa kanyang buhay.
Aniya, kung ikukumpara ang buhay niya kay Ellenya mas mahirap at mas complicated daw ang kanyang karakter sa pelikula, “I think this moment, mas mahirap yung buhay ni Ellenya.
“Kasi ako ngayon, to be honest ang saya-saya ko. Parang gusto ko lang magaan lang at blessed naman ako sa part na iyan,” chika pa ng dalaga.
“Pero kung i-compare ko siya sa buhay ni Ellenya, iba talaga. Parang gusto niya talagang sumikat, dinaanan niya lahat-lahat para lang sumikat. So I think mas mahirap iyon,” aniya pa.
Showing na sa mga sinehan ang “I’m Ellenya L.” sa Sept. 13 bilang bahagi ng 3rd PPP ng Film Development Council of the Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.