Gabbi kay Julia: Nandito lang ako para sa kanya | Bandera

Gabbi kay Julia: Nandito lang ako para sa kanya

Bandera - August 30, 2019 - 12:20 AM

GABBI GARCIA AT JULIA BARRETTO

“I will be there.” Ito ang promise ni Gabbi Garcia para sa kanyang kaibigang na si Julia Barretto na nasasangkot ngayon sa kontrobersiya dahil sa break-up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Matagal nang mag-best friends ang dalawa kaya kahit anong mangyari ay suportado ng Kapuso actress si Julia.

“Yes, she’s my friend since high school kaya nandito lang ako para sa kanya, bilang kaibigan niya. Kilala ko ang pagkatao niya, I know her personally, at ang masasabi ko lang , I’ll be just there to if she needs someone to talk to, if she needs a shoulder to cry on,” pahayag pa ni Gabbi sa nakaraang presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Beautiful Justice na magsisimula na sa Sept. 9.

Speaking of Beautiful Justice, talagang nagpagupit pa si Gabbi para sa kanyang karakter dito.

Makakatambal niya sa programa ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio.

Hindi lang ang hair style ang binago ni Gabbi para sa BJ, nag-Krav Maga training din siya para sa mga action scenes niya.

Military self-defense at fighting system ang Krav Maga na pinagasma-samang boxing, wrestling, aikido, judo, karate at realistic fight training, “Actually, three months ago pa ako nagte-train because of, dapat may gagawin ako na show na action.

“It got delayed so, at least, nagagamit ko ang lahat ng tinrain ko. Si Kuya Victor Neri ang nag-udyok sa akin na mag-train talaga. Before, nag-one-on-one kami para sa Jujitsu, Krav Maga at target shooting,” kuwento pa ni Gabbi.

Makakasama rin sa Beautiful Justice sina Yasmien Kurdi, Bea Binene, Valeen Montenegro at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending