JM de Guzman may balat kaya sa pwet?

By Reggee Bonoan August 25,2019
share this

JM de Guzman may balat kaya sa pwet?

By Reggee Bonoan August 25,2019
share this

KAILAN ba ang airing ng Pamilya Ko? Wala pa kasing inaanunsyo ang ABS-CBN o ng mga artistang kasama sa bagong serye ng RSB unit.

Tinatawagan kasi kami ng ilang beteranong manunulat at nagtatanong kung kailan ang airing ng serye dahil naintriga sila sa trailer, ang ganda raw at ito nga ang pagbabalik- drama ni Sylvia Sanchez sa ABS-CBN.

Pinanood namin ang full trailer ng Pamilya Ko nitong Biyernes ng gabi at oo nga, ang bigat ng kuwento. May eksena roon na sinisisi si JM de Guzman sa pagkamatay ng bunsong kapatid kaya iba ang trato sa kanya ng nanay niyang si Sylvia.

Ipinakita ring nag-aaway sina JM at tatay nitong si Joey Marquez na inatake sa puso kaya agaw-buhay sa hospital. Mukhang mamamatay agad ang karakter ng veteran actor dahil sinabihan ni Ibyang si JM ng, “Sino pa sa amin ang gusto mong isunod ha, Chico?”

Sa madaling salita sa tuwing may masamang nangyayari sa pamilya nila at si JM ang sinisisi. Kaya ang tanong namin, may balat ba sa butt o pwet sa serye ang aktor?

Kung sa The Greatest Love ay depressing ang kuwento ni Aling Gloria dahil sa kanyang Alzheimer ay kakaiba naman ang karakter ni Ibyang sa Pamilya Ko bilang si Luz dahil masayahin at mapagmahal na ina at ideal wife pero maraming pinagdaraanan.

Tinanong namin ang pangunahing bidang aktres kung kaya bang higitan o tapatan ng Pamilya Ko ang The Greatest Love.

“Ang manonood ang makapagsasabi, pero parehong mabigat at maganda ang kuwento dahil tungkol sa pamilya umiikot ang kuwento,” sagot ni Ibyang.

Kailan ang airing nito? “Ay ‘yan ang hindi ko alam. Walang sinasabi sa amin ang production. Abangan daw namin.”

Hmmm, dalawang programa ang magtatapos ngayong Setyembre, ang Minute to Win It ni Luis Manzano at ang The General’s Daughter ni Angel Locsin kaya saang timeslot kaya ipapasok ang Pamilya Ko?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending