Pagiging beki ni Paolo tanggap ng anak

By Bandera August 24,2019
share this

Pagiging beki ni Paolo tanggap ng anak

By Bandera August 24,2019
share this

PAOLO BALLESTEROS AT KEIRA CLAIRE

TANGGAP at naiintindihan ng kanyang anak ang tungkol sa tunay na gender ng TV host-comedian na si Paolo Ballesteros.

Ayon kay Pao, matalino si Keira Claire at kahit bata pa ang bagets naniniwala siya na gets na gets nito kung ano ang kanyang tunay na pagkatao.

“Kasama ko nga siyang nanonood ng Rupaul’s (Drag Race) e,” kuwento ni Pao nang makachikahan ng entertainment media sa presscon ng latest movie niyang “The Panti Sisters” directed by Jun Lana na kalahok din sa 3rd Pista Ng Pelikulang Pilipino.

“Hindi naman siya nagtatanong, kasi she’s a kid, she’s innocent and yet she gets it. So yun yung maganda doon,” dagdag pa ng Eat Bulaga Dabarkads.

Grade 5 na ngayon si Keira at sa Amerika nag-aaral kasama ang dating girlfriend ni Paolo na si Katrina Nevada.

Ipinagdiinan ng Kapuso comedian na hindi na niya kailangang mag-public announcement para aminin ang kanyang sexual preference, “Basta I’m a person. Hindi naman naging isyu sa akin yung panghuhula (ng sexuality). Ginagawa ko lang naman yung part ko, yung trabaho ko.

“Nakakatuwa kasi kapag nagpapa-girl ako, nae-excite yung mga tao, ganyan. Pero it’s not about who I am kasi alam kong alam naman nila who I am,” aniya pa.

Kung matatandaan, ilang beses nang nag-post si Paolo ng mga litrato ng mga naging past boyfriends niya, ang huli nga ay si Kenneth Gabriel Concepcion.

Samantala, showing na ang “The Panti Sisters” sa Sept. 13 bilang bahagi ng 2019 PPP, kasama rin ni Paolo rito sina Christian Bables at Martin del Rosario.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending