Ion Perez sa relasyon nila ni Vice: Mahal ko po siya bilang kaibigan
“Hindi kami!” Yan ang ipinagdiinan ni Ion Perez tungkol sa tunay na relasyon nila ni Vice Ganda.
“Ano lang kami, sobrang malapit lang kami sa isa’t isa, kaya siguro yung mga tao sobrang nag-iisip sila na…ganoon yung naging reaksiyon nila. Sobrang malapit lang kami sa isa’t isa,” ang paliwanag ni Ion sa isang panayam.
“Sobrang close kami, close na close kami ni Vice, parang hindi na rin siya naiiba sa akin,” aniya pa.
“May konting ano naman (feelings), minsan napapansin niyo, pero biru-biruan lang kami,” chika pa ni Kuya Escort ng Showtime.
Sa tanong kung gaano niya kamahal si Vice, “Mahal ko po siya as a friend. Sobrang ano lang po kami talaga, sobrang close po kami talaga ni Meme kaya lahat ng ibang tao mine-mention ganoon po.”
Okay lang ba sa kanya na tinutuksu-tukso kay Vice, “Wala naman pong isyu sa akin iyon. Alam ko naman po yung tao, sobrang bait naman sa akin. Tsaka wala naman po siyang ginagawang masama sa akin.”
At dahil sa pag-amin ni Ion sa tunay na relasyon nila ng TV host-comedian ibig sabihin, pang-telebisyon lang talaga ang kanilang love affair at hindi rin totoo na may balak na siyang mag-propose kay Vice.
At hindi rin totoo ang paniniwala ng madlang pipol na si Ion Perez na ang bagong lover ni Vice, na talagang tuksuhan lang at walang malisya ang sweetness nila sa isa’t isa.
So, talagang pure friendship lang ang namamagitan sa kanila at ang pagkikita ng kanilang mga nanay ay bahagi lamang ng malalim nilang friendship.
In fairness, talaga namang sumikat nang bonggang-bongga si Ion mula nang ma-link sila ni Vice at sabi nga ng binata, tatanawin niya itong napakalaking utang na loob sa kanyang Meme.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.