Panelo itinangging may kinalaman sa maagang paglaya ng rape-slay convict na si ex-Calauan mayor Sanchez

August 21,2019
share this

Panelo itinangging may kinalaman sa maagang paglaya ng rape-slay convict na si ex-Calauan mayor Sanchez

August 21,2019
share this

ITINANGGI ni Presidential spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nasa likod siya ng nakatakdang paglaya ng rape-slay convict na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

“That is far-fetched,” sabi ni Panelo.

Nagsilbi si Panelo bilang isa sa mga abogado ni Sanchez kaugnay ng rape sa estudyante ng University of the Philippines Los Baños na si Eileen Sarmenta at pagpatay sa kasamang si Allan Gomez.

Idinagdag ni Panelo na nagbitiw na siyang abogado ni Sanchez bago pa man iapela ang kaso.

“As correctly pointed out by (Justice) Secretary Guevarra, di na kailangan kahit sinong tao mag-intervene o lumakad sa release kasi merong batas na,” sabi ni Panelo.

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na papalayain si Sanchez bunsod na rin ng Republic Act 10592 o ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) na ibinibigay sa mga preso.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending