Joshua damay sa 'sumpa' kay Julia: 'Wag n'yo na silang pagtambalin! | Bandera

Joshua damay sa ‘sumpa’ kay Julia: ‘Wag n’yo na silang pagtambalin!

Alex Brosas |August 22,2019
facebook
share this

Joshua damay sa ‘sumpa’ kay Julia: ‘Wag n’yo na silang pagtambalin!

Alex Brosas - August 22, 2019 - 12:15 AM

JULIA BARRETTO AT JOSHUA GARCIA

UMANI ng maraming dislike ang Joshua Garcia and Julia Barretto number sa ASAP Natin ‘To live episode in Bay Area.

Nakakuha ng more than 12K dislikes at 2K likes ang video ng performance ng mag-ex. Clearly, it is because of Julia na tila ayaw nang ipareha ng fans kay Joshua.

“Syempre it will be flooded with dislike eh user c Ateng eh. Lubog na career nyan. Naging 2nd Jessy Mendiola kasi.”

“I think they hate Julia most kaya nadadamay si Joshua. Sana wag na silang pagtambalin ever baka madamay si Josh sa sumpa!”

“It’s just for the show they just follow what the director says!!! But no matter what harm has been done! Kaya nga artista sila di ba?”

Until now ay hindi pa rin gumaganda ang image ni Julia sa paningin ng fans nina Joshua at Bea Alonzo.

q q q

May pumalag sa statement recently ni Tonton Gutierrez na aksidente ang nangyari kay Eddie Garcia.

“It was an accident, no one wanted it in the first place. Kahit naman sinong tao walang gustong maaksidente or kumbaga nangyari na eh, di na tayo magturuan. So just let it be. Huwag na magturuan nangyari na eh, tapos na. Kumbaga learn from the experience,” ani Tonton.

Nag-react ang netizens sa statement na iyon ng aktor.

“Kung nadapa lang sa shooting pwede aksidente at learn from the experience. Kaya lang may namatay eh. Kelangan may managot.”

“Aksidente na sanay naagapan pa pero ano bang maaasahan mo dyan sa produksyon ng kabila nagtitipid kaya walang medic.”

“Buti na lang talaga may video kaya walang lusot. Kung nagkataon di nakunan ng video malamang naghugas kamay ang GMA.”

Teka, bakit hindi pa inilalabas ng GMA ang result ng kanilang sariling imbestigasyon? Matagal nang na-cremate si Sir Eddie, tapos na ang 40 days niya, pero bakit wala pa ang result ng investigation? What’s stopping them from making it public?

q q q

Iba rin pala gumawa ng eksena itong si Ellen Adarna.

One time, when she and boyfriend John Lloyd Cruz were still in Manila, the couple entered a Japanese restaurant in Malate.

It was late in the evening na and the couple were nakainom na raw when they arrived.

What’s nakakaloka is that, dumating si Ellen nang nakapaa lang. Siyempre, pinagtitinginan sila ng mga staff ng resto. First time kasi nilang makakita ng customer sa kanilang resto na nakatapak lang nang dumating. Wala naming sumitang guwardiya para sabihing bawal ang nakapaa sa resto.

As they were making an order, napansin ni Ellen na pinagtitinginan silang dalawa ni John Lloyd.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naimbiyeran raw ang lolah n’yo at pinagsabihan ang mga staff na ‘wag siyang tingnan. Kaloka, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending