Sikat na female singer nagtiis sa pasaway at tambay na tatay | Bandera

Sikat na female singer nagtiis sa pasaway at tambay na tatay

Cristy Fermin |August 22,2019
facebook
share this

Sikat na female singer nagtiis sa pasaway at tambay na tatay

Cristy Fermin - August 22, 2019 - 12:05 AM


AYON sa aming source ay napakakulay ng buhay ng isang female singer na palaging pinagkukuwentuhan sa mga umpukan.

Puwede na pala siyang sabitan ng medalya sa kanyang kadakilaan bilang anak.

Napakaaga pala niyang sinunong ang mga obligasyon na dapat ay hindi siya ang umaako. Batambata pa lang ang female singer ay nakatatak na sa kanyang puso na gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Sabi ng aming source, “Wala siyang choice dahil walang gagawa nu’n para sa family nila. Walang aako sa responsibilidad kundi siya dahil siya lang naman ang may paraang gumawa nu’n.

“Tinanggap ng girl ang hamon, siya ang tumayong breadwinner sa kanilang pamilya, wala naman talaga silang ibang maaasahan dahil silang mag-iina lang ang magkakasama,” bungad ng aming impormante.

Dahil sa kanyang talento ay marami siyang pinangarap para sa kanilang pamilya, habang kaya pa niyang kumanta at bumirit ay kakayanin niya ang lahat, hindi siya susuko.

“Maitatanong n’yo, nasaan kasi ang father niya? Siya ang dapat bumuhay sa pamilya niya, pero bakit ipinasa niya ang obligasyon sa anak niya?

“Naku, buhay-binata ang ama, palaging tambay sa kung saan-saan, mahilig pa sa granatsa! Madalas siyang tambay sa jai-alai nu’ng nasa probinsiya pa sila, sa totoo lang!

“Kaya talagang walang pamimilian ang female singer kundi ang magtrabaho nang magtrabaho. Kahit nga nilalagnat siya, e, sige pa rin siya sa pagkanta!

“Pero bibilib ka sa batang ‘yun, hindi siya marunong magtago ng sama ng loob! Tinanggap na lang niya ang lahat-lahat, kahit pa nahihirapan na siya.

“Nu’ng bumalik na ang padre de pamilya sa kanila, okey lang, ni hindi nakarinig ng anuman ang tatay mula sa anak niya, instead, siya pa rin ang kumakayod, siya pa rin ang bumubuhay sa family nila.

“Nakakaawa ang batang ‘yun! Palibhasa, e, marespeto, hindi siya sumasagot sa magulang niya, nananahimik lang siya, todo-pasa lang ang batang ‘yun.

“Kung malalaman lang ng mga tao kung anong klase ang buhay na meron siya, e, baka ampunin na lang siya ng mga kababayan natin. Mabait siya, marespeto, iyak lang ang armas niya,” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilala n’yo siya, tanggap n’yo ba ang hamon na hulaan na kung sino siya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending