Dagdag buwis sa alak, heated tobacco inaprubahan | Bandera

Dagdag buwis sa alak, heated tobacco inaprubahan

Leifbilly Begas - August 20, 2019 - 06:31 PM

INAPRUBAHAN na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na itaas ang buwis sa alak at heated tobacco at vapor products na ginagamit sa electronic cigarette.

Ito ang unang panukala na natapos ng Kamara ngayong 18th Congress.

Sa botong 184-2 at isang abstention, inaprubahan ang Package 2 ng Comprehensive Tax Reform Program (House bill 1026).

Ang malilikom na dagdag buwis ay idaragdag sa pondo ng Universal Health Care law.

Sa bersyon ng Kamara de Representantes kikita ang gobyerno ng dagdag na P17 bilyon mas mababa sa P32 bilyon na inaasahan ng Department of Finance.

Noong Agosto 13 (Martes) ay inaprubahan ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda ang panukala sa unang araw ng pagdinig dito. Kinabukasan ay inaprubahan na ito sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ng Kamara.

Itataas ng P6.60 ang buwis na ipinapataw sa distilled spirits na sa kasalukuyan ay P22.40 specific tax at 20 porsyentong ad valorem tax na itataas sa 22 porsyento sa 2020.

Ang buwis sa sparkling wine ay gagawing unitary na P650 at 15 porsyentong ad valorem tax.

Ang buwis sa still and carbonated wines na walang 14% ang alcohol content ay tataasan ng P2.10 (P37.90 ay magiging P40) at ang mas mataas ang alcohol content ay P4.10.

Ang buwis sa fermented liquors na P28 ay itataas ng P2.60 kada litro. Itataas ito ng 7 porsyento kada taon.

Ang kada pakete ng heated tobacco na may lamang 20 piraso ay gagawing P45 sa 2020, gagawin itong P50 sa 2021, P55 sa 2022, P60 sa 2023 at tataas ng limang porsyento kada taon mula sa 2024.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending