TINAMAAN ng dengue ang 120 na Chinese national na nagtatrabaho sa isang coal-fired power plant sa Bataan, ayon sa isang provincial board member.
Sinabi ni Godofredo Galicia, Jr., chair ng committee on health ng Bataan provincial board, na dinala ang mga Tsinoy sa ospital para magamot.
Mga empleyado ang mga Tsinoy ng GN Power Coal-Fired power plant sa coastal village ng Alas-asin.
Hindi naman sinabi ni Galicia kung paano nakuha ng mga empleyado ang dengue virus.
Idinagdag ni Galicia na bukod sa mga Tsinoy na manggagawa, nakapagtala ng 278 kaso ng dengue sa bayan ngayong taon.
Noong isang taon, iniulat ni Bataan provincial health officer Dr. Rosanna Buccahan na bumaba ng 30 porsiyento ang kaso ng dengue sa Bataan mula Enero hanggang Agosto kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.