Trillanes, gumasta ng P17.28M sa kulungan; Top Senatoriables; atbp. | Bandera

Trillanes, gumasta ng P17.28M sa kulungan; Top Senatoriables; atbp.

- February 04, 2010 - 02:01 PM

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

MALAPIT nang abutan ni Sen. Manny Villar si Sen. Noynoy Aquino sa surveys ng mga “presidentiables.”
Hindi lang dahil mas maraming perang panggastos sa TV at radio commercials si Villar, kaya’t malapit nang maunahan ni Villar si Aquino sa surveys.
Isa pang dahilan ay yung C-5 road controversy kung saan ay ginigisa ng kampo ni Senate President Juan Ponce Enrile si Villar dahil sa diumano ay kumita ang real estate company ng bilyonaryong senador.
Mali sa tayming sina Enrile dahil election season na ngayon. Kahit pa sila’y tama sa paglantad ng anomalya na kinasasangkutan diumano ni Villar, sa paningin ng taumbayan ay politika lang ang dahilan.
Lalong sumisikat si Villar at nagmumukha siyang kawawa dahil pinagtutulungan siya ng kanyang mga kasama sa Senado.
Kahit ba totoo ang akusasyon sa kanya, sa paningin ng ordinaryong mamamayan ay inaapi si Villar.
Alam ng taumbayan na tumatakbo si Enrile sa partido ni Erap na isa sa mga kalaban ni Villar sa pagka-Pangulo.
* * *
At alam naman natin ang Pinoy: kinakampihan nito ang mga api.
May kasabihan sa showbiz, any publicity even if it’s bad publicity is still publicity.
Mas lalong tumagal ang mga batikos kay Villar sa diaryo, radyo at telebison mas lalong pabor sa kanya.
Kung ako si Villar, hahayaan ko sina Enrile na batikusin ako sa Senado dahil free publicity ang ginagawa nina Enrile.
Menos gastos pa para kay Villar ang paggisa sa kanya sa Senado dahil puwede na niyang bawasan ang kanyang mga TV at radio commercials.
Mas lalo siyang binabatikos ng kampo ni Enrile mas lalo siyang naalala ng mga botante.
* * *
Gumastos ng P17.28 million si Sen. Antonio Trillanes IV na pera ng taumbayan dahil sa kanyang diumano’y travel expenses.
Aba’y dapat ay nasa Guinness Book of World Records!
Biruin n’yo kahit di siya lumalabas sa kulungan, gumastos siya ng ganoon kalaking halaga.
Si Trillanes ay nakakulong habang nililitis ang kanyang mga kasong rebellion.
Mula nang siya’y nahalal na senador, di pa siya nakalalabas ng kulungan maliban lang kung siya’y tinatawag ng korte at noong nagbarikada siya sa Peninsula Hotel dalawang taon na ang nakararaan.
Bakit naman makakagastos siya ng P17.28 million in travel expenses samantalang nasa loob siya ng kulungan?
Tingnan mo ang kumag na ito.
Nagrebelde raw siya sa gobyerno ni Pangulong Gloria dahil sa malawakang pangungurakot at nakawan.
Pero anong ginagawa niya ngayon?
Di ba pangungurakot sa kaban ng taumbayan ang sumingil ng P17.28 million in travel expenses kahit na hindi siya nakalalabas?
* * *
Ang mga nangunguna sa SWS survey for Jan. 21 to 24, 2010:
1. Bong Revilla
2. Jinggoy Estrada
3. Pia Cayetano
4.Miriam Defensor-Santiago
5. Frank Drilon
6. Tito Sotto
7. Juan Ponce Enrile
8. Ralph Recto
9. Bongbong Marcos
Generally, okay ang pagpili ng mga botante ng kanilang mga bobotohing senador maliban sa tatlo: Revilla, Estrada at Recto.
Wala namang ginawa itong sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada kundi magpabongga o magpasikat.
Pero wala tayong magagawa sa kagustuhan ng botante na hindi alam ang katotohanan sa pantasya.
Iba ang arte sa pelikula sa tunay na buhay, mga kababayan ko! Puro arte lang sina Revilla at Estrada at walang laman ang kokote.
Ito namang si Recto ang nagpahirap sa atin dahil siya ang nag-sponsor ng E-VAT sa Senado at ngayon ay nagbabayad tayo 12 percent sa ating mga bilihin dahil sa kagagawan ni Recto.

BANDERA, 020410

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending