ISA sa maituturing na super gulay ang malunggay dahil napakasustansiya nito.
Narito ang ilang benepisyo ng pagkain ng malunggay na dapat mong malaman.
1. Pampalakas ng katawan. Ang pagkain ng isang tasang dahon ng malunggay kada araw ay nakakatulong para mapunan ang bitaminang kailangan ng iyong katawan.
2. Pampadami ng gatas ng ina. Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain lang ng isang tasang dahon ng malunggay araw-araw.
3. Gamot para sa constipation o pagtitibi. Kapag ikaw ay constipated o nagtitibi, kumain lamang ng isang tasang dahon ng malunggay sa gabi dahil makatutulong ito sa pag-ayos ng iyong pagdumi.
4. Pantapal sa sugat. Kung ikaw ay may sugat, puwedeng ilagay ang di-nurog na dahon ng malunggay sa sugat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.