ISANG low pressure area na posibleng maging bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang LPA ay nasa layong 2,195 kilometro sa silangan ng Visayas kaninang umaga.
Kapag naging bagyo ito ay tatawaging Ineng.
Posibleng palakasin ng LPA ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending