Sikat na female star na mukhang palaka negang-nega | Bandera

Sikat na female star na mukhang palaka negang-nega

Cristy Fermin |August 17,2019
facebook
share this

Sikat na female star na mukhang palaka negang-nega

Cristy Fermin - August 17, 2019 - 12:40 AM

MALAYO talaga ang sikmura ng publiko sa isang kilalang female personality. Walang nakikitang positibo sa kanya ang ating mga kababayan.
Kumanan at kumaliwa ang babaeng personalidad ay puro pamba-bash ang inaabot niya, nabubuhay siya sa araw-araw na pambibingbang sa kanya ng mga netizens, bakit nga kaya?

Sa isang malaking umpukan ng mga manunulat ay pinagpistahan ang female personality na madalang na madalang na magustuhan ng mga faney.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Masyado kasi siyang OA! Ang mga bagay-bagay na puwede namang gawin nang simple lang, e, ginagawa pa niyang OA!

“Times three palagi ang atake niya. Napakasimpleng bagay, kung anu-anong kaartehan ang ginagawa niyang atake!” sabi ng aming impormante.

Hindi rin nagugustuhan ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ang palagi niyang pagsimangot. Palagi siyang parang nakakaamoy ng kung anong mabantot.

Arya naman ng isa pang source, “Hindi bagay sa kanya ang sumimangot, hindi siya kagandahan para magsimangot! ‘Yun ang palaging naipipintas sa kanya sa workplace niya, e!

“Pagdating pa lang niya, e, nakasimangot na siya, ano ba namang ngumiti man lang siya sa mga dinadatnan niya sa set o sa studio! Napakamahal ba ng bayad sa ngiti niya?

“E, ang itsura niya pa naman, e, nangangailangan ng pagngiti, makagaganda sa kanya kung magiging maaliwalas ang face niya. Makitid na nga ang nose niya, e, ang liit-liit pa ng mouth niya, kaya kung sisimangot pa siya, e, magmumukha na siyang puppet!
“Hindi siya nakakaaliw, hindi siya nakakatuwa, hindi siya dapat nagko-comedy dahil kontrabida ang dating niya sa televiewers!
“Galit na galit siya kapag tinatawag siyang mukhang palaka, e, manalamin nga siya! Tingnan nga niyang mabuti kung hindi siya mukhang palaka kung gumalaw?

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sino ang malditang babaitang ito!” pagtatapos ng chikadora naming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending