outbrain

Gretchen nakatipid mula nang makaaway si Marjorie; wala nang sinusustentuhan

By Cristy Fermin August 17,2019
share this

Gretchen nakatipid mula nang makaaway si Marjorie; wala nang sinusustentuhan

By Cristy Fermin August 17,2019 - 12:35 AM

GRETCHEN AT MARJORIE BARRETTO

Nagtaas na ng banderang puti si Marjorie Barretto sa pang-iinis sa kanyang kapatid na si Gretchen na walang anumang laban na inuurungan. Tanggap na nito ang pagkatalo.

Nadagdagan naman ang mga tagasuporta ni La Greta na ang karamihan ay mga becki na gumagamit sa kanyang pangalan sa mga pam-Barangay na beauty pageant.

Sabi ng isang source na hindi nanununog at nangunguryente, “Napakalaki ng natipid ni Gretchen mula nu’ng hindi na sila magkasundo ni Marjorie! Sobrang laki! Sa kanya kasi nakasandal ang kapatid niyang ‘yun!

“Konting bagay lang, Gretchen. Kapag may kailangan, Gretchen. Kaya mas maganda na rin para kay Gretchen ang ganyan na hindi sila okey, napakalaki ng natitipid niya!” madiing sabi ng source.

Mabait na kapatid daw si Gretchen, hindi niya sinosolo ang kaginhawahan niya sa buhay. Basta may kailangan ang kanyang mga kapatid ay agad siyang nagbibigay ng suportang pampinansiyal.

Litanya pa ng aming very reliable source, “Si Claudine na lang nu’ng time na napakagulo ng buhay, wala siyang kinikita, kaya paano na silang mag-iina? Walang kaalam-alam si Claudine na ‘yung tulong na nakararating sa kanya, e, galing kay Gretchen!

“Kinausap ni Gretchen ang isang brother niya na bantayan ang mag-iina, alamin palagi dapat ng brother niya ang mga pangangailangan ni Claudine.

“Hindi alam ni Claudine na ‘yung ibinibigay na tulong ng brother niya, e, galing kay Gretchen! Sobrang mahal ni Gretchen ang bunso nila, sobra!

“Kapag alam niyang hindi maganda ang sitwasyon ni Claudine, sobrang bothered siya. Mabait na sister si Gretchen! Sinayang ‘yun ni Marjorie!” komento pa ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending