Kris sa basher na nam-bully sa 2 anak: Wag ang pamilya ko ang babuyin n’yo, lalabas ang pangil ko | Bandera

Kris sa basher na nam-bully sa 2 anak: Wag ang pamilya ko ang babuyin n’yo, lalabas ang pangil ko

Ervin Santiago - August 14, 2019 - 05:23 PM

KRIS AQUINO

HINDI pinalagpas ni Kris Aquino ang isang netizen na walang awang nam-bully sa kanyang mga anak.

Tinawag na “The Autistics” ng nasabing basher sina Joshua at Bimby kaya talagang nag-init ang ulo ng kanilang ina.

Nag-post ang Social Media Queen sa kanyang Instagram ng photo collage ng dalawa niyang anak at tinanong ang netizens kung kamukha na niya ang mga ito. Pinusuan ito ng libu-libo niyang followers at nag-post ng magagandang comments.

Pero may isa ngang hater ang tumawag ng “autistic” sa walang kamuwang-muwang na mga bata. Burado na ang nasabing comment pero nabasa na ito ni Kris kaya agad niyang ipinagtanggol ang mga anak.

“Why my sons? Especially Kuya Josh? Will you also shoot a gun because you want to experiment then tell the world after you have shot an innocent person, ‘Sorry, now I know what it’s like to be a killer?’ You aren’t a fan. You are a despicable coward,” resbak ng TV host-actress.

Dagdag pa niya, “I have every right to call you out because you threw the first uncalled for insult.” Ito rin daw ang maaaring maging rason ng posibleng pagsabak niya sa politika, “To fight for those without a voice, like special children, parents who cannot afford proper healthcare, and marginalized single parents.”

“I am posting this separately because the arrogant fool may erase his original comment out of cowardice. Never po ako nagsimula ng away pero kilala niyo na ako, ‘wag ang mga magulang ko at ‘wag ang mga anak ko ang bababuyin kung ayaw lumabas ang pangil ko. Simple lang, di ba.

“Lahat naman kayo alam ko pareho ang saloobin. Kung namatay na ang magulang, ‘wag bastusin ang [alaala] nila. At lahat ng mga magulang kapag anak ang hinamak, lalaban,” mahabang mensahe ni Kris.

Nag-sorry naman ang basher kay Kris pero may hirit pa ito na ikinagalit ng mga fans ni Tetay, “I didn’t even insult your parents? I already said sorry po. Why don’t you just delete my comment? You want more sympathy po? That’s fine with me. Don’t use my innocent comment to gain sympathy for your political ambition po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending