P98M jackpot hindi nasungkit

By Leifbilly Begas August 14,2019
share this

P98M jackpot hindi nasungkit

By Leifbilly Begas August 14,2019
share this

WALANG tumama sa P98.2 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Martes ng gabi.

Inaasahang lalagpas na sa P100 million mark ang jackpot prize ng Ultra Lotto sa bola nito sa Biyernes. Ang premyo ay nakadepende sa dami ng tumaya.

Sa huling bola walang nakakuha sa winning number combination na 51-16-10-02-04-32.

Lima naman ang nanalo ng tig-P143,890 matapos makuha ng limang numero. Tig-P1,600 naman ang 358 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 9,094 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending