Fans ni Maine hindi papayag madehado ang promo ng ‘#Isa Pa With Feelings’

By Jun Nardo August 14,2019
share this

Fans ni Maine hindi papayag madehado ang promo ng ‘#Isa Pa With Feelings’

By Jun Nardo August 14,2019
share this

CARLO AQUINO AT MAINE MENDOZA

PINALULUTANG na ng ilang netizens ang playdate ng movie nina Maine Mendoza at Carlo Aquino, ang “Isa Pa With Feelings”.

Ayon sa mga nabasa naming posts sa social media, ngayong October na raw mapapanood ang unang pelikulang pagtatambalan ng dalawa.

Bukod dito, naglabas pa ang mga supporters ni Meng ng sariling bersyon ng kanilang poster para sa nasabing pelikula kung saan dikit na dikit ang mukha ng Dubsmash Queen kay Carlo.

This early rin, tuluy-tuloy ang pagti-trend nila ng hashtag na #IsaPaWithFeelings, huh!

Siyempre, hindi dapat madehado sa promotions ang pelikulang ito ng Phenomenal Star. Hinangaan ng marami ang ginawang promotions ng Star Cinema para sa “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Kaya hayun, umabot na ang domestic gross nito sa mahigit P500 million sa loob lang ng dalawang linggong pagpapalabas nito sa mga sinehan! Tall order ito para sa Maine-Carlo movie, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending