Lovelife ni Ate Girl ibinuking ni Vice, hiwalay na sa dyowang member ng hashtag | Bandera

Lovelife ni Ate Girl ibinuking ni Vice, hiwalay na sa dyowang member ng hashtag

Julie Bonifacio |August 12,2019
facebook
share this

Lovelife ni Ate Girl ibinuking ni Vice, hiwalay na sa dyowang member ng hashtag

Julie Bonifacio - August 12, 2019 - 12:10 AM

IBINUKING ni Unkabogable Star Vice Ganda ang current state ng puso ng kasamahan niya sa It’s Showtime na si Ate Girl Jackie Gonzaga.

Tinawag ni Vice si Ate Girl sa segment ng Kapamilya noontime show na “Kapare-Who” na pumasok sa stage para partneran sa sayaw ang isang contestant.

Sa pagtawag ni Vice kay Ate Girl, nagpakawala ng statement ang gay comedian. Tamang-tama raw na siya ang kapartner nu’ng contestant dahil break na siya sa karelasyon nito.

Nagbibiro man o seryoso si Vice sa sinabi niya, tila may laman ‘to. Knows naman ng marami na ang boyfriend ni Ate Girl ay ang Hashtag member na si Tom Doromal.

Tila nabigla naman si Ate Girl sa sinabi ni Vice pero nag-focus pa rin siya sa kanyang task. Unlike nu’ng unang beses na super cry si Ate Girl habang nag-e-emote tungkol sa “pagmamahal” niya kay Vice.

Unang nabalitang nagkahiwalay sina Ate Girl at Tom last June. Pero agad na pinabulaan ito ni Tom sa kanyang social media account.

Sinilip namin ang Instagram accounts nina Ate Girl at Tom. Parehong walang recent photo kaming nakita na magkasama silang dalawa.

Nag-iba na rin pala ang hitsura ni Tom ngayon. Mahaba na ang kanyang buhok at may pa-bigote pa, huh! And most of his pictures na naka-post sa IG reveals na sobra ang pagkahilig niya sa motorcross.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending