Herbert balik-ABS-CBN, kasama sa teleserye ng LizQuen | Bandera

Herbert balik-ABS-CBN, kasama sa teleserye ng LizQuen

Reggee Bonoan |August 12,2019
facebook
share this

Herbert balik-ABS-CBN, kasama sa teleserye ng LizQuen

Reggee Bonoan - August 12, 2019 - 12:10 AM

KASAMA pala si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista sa teleserye nina Liza Soberano at Enrique Gil na sisimulan na ngayong Setyembre.

Hindi lang binanggit sa amin ng kausap naming taga-Star Creatives kung ano ang role ni Mayor Bistek sa serye ng LizQuen. Kung tatay naman ang karakter niya, sino kaya kina Liza at Enrique ang anak niya?

Base sa litratong nakita naming na-post ay nakipag-meeting si Bistek sa bigwigs ng Star Creatives sa pangunguna nina Star Cinema managing director Olive Lamasan, dating SCMD, Malou Santos, Enrico Santos at ABS-CBN Chief Operating Officer Cory Vidanes.

Matatandaang nag-pass muna sa pulitika si Mayor Herbert dahil gusto niyang magpahinga at tutukan ang mga anak na sina Athena at Harvey na hindi na raw niya nasubaybayan ang paglaki.

Kaya habang nagpapahinga si Bistek sa pulitika ay balik-showbiz muna siya na first love niya bukod pa sa aktibo na ulit ang production outfit nilang Heaven’s Best Entertainment sa pagpo-produce ng pelikula both sa digital at mainstream.

Airing na ang digital series na Call Me Tita sa Agosto 18 sa iWant na may regular programming din sa Channel 2. Sina Agot Isidro, Angelica Panganiban, Joanna Ampil, Mylene Dizon, Cherry Pie Picache at Lorna Tolentino ang bida rito mula sa direks-yon ni Andoy Ranay produced by Dreamscape Digital and Heaven’s Best.

Kaya naman present ang magkakapatid na Herbert, Hero at Harlene sa celebrity screening ng Call Me Tita kamakailan.

Going back to HB, isa kaya ang seryeng gagawin niya sa dahilan kaya tumanggi siya sa special participation sana niya sa horror movie ni Kris Aquino na “(K)Ampon”. Sigurado kasing magiging busy na siya sa teleserye ng LizQuen?

Balitang may tampuhan na naman sina Kris at Bistek base na rin sa mga nakaraang post ng mama nina Joshua at Bimby kaya ang paniwala ng ilang followers ni Kris sa social media may kinalaman dito ang pagtanggi ni Bistek sa “(K)Ampon”.

Pero mukhang nasanay na rin ang publiko sa kanilang “away-bati” na relasyon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending