RitKen nambiktima ng manghuhula sa TBATS | Bandera

RitKen nambiktima ng manghuhula sa TBATS

Bandera |August 11,2019
facebook
share this

RitKen nambiktima ng manghuhula sa TBATS

Bandera - August 11, 2019 - 12:30 AM

RITA DANIELA AT KEN CHAN

MINAHAL sila ng publiko dahil sa kanilang kakaibang chemistry at hindi mapapantayang pagganap sa My Special Tatay.

Ngayong gabi sa The Boobay and Tekla Show, makikita n’yo ang kakaibang side nina Ken Chan at Rita Daniela sa pagsubok nilang i-prank ang walang kamalay-malay na mga tao sa hidden camera segment na “Pranking in Tandem.”

Inimbitahan ng TBATS ang dalawang manghuhula: isang palaban, 30 years old na professional mula sa Quiapo at ang isa naman ay pekeng “manghuhula.” Ang challenge kay Rita ay mapag-away niya ang tunay at pekeng manghuhula laban sa isa’t isa.

Pagkatapos ng ilang minuto ng intense hulaan, papasok si Ken na kokondenahin si Rita sa paniniwala nila sa “work of the devil.” Siguradong mapapatawa kayo kung paano magre-react ang manghuhula mula sa Quiapo sa pagwawala ni Ken.

Sa “Feeling the Blank,” ang lead actor ng afternoon drama na Bihag na si Jason Abalos ay magigisa sa TBATS hot seat upang sagutin ang mga katanungan na may nawawalang salita kagaya ng “May picture ka ba sa Internet na kita ang iyong ______?” Sa halip na ang nawawalang salita, isang larawan ang ipapakita kay Jason. Matapang kayang sagutin ni Jason ang lahat ng limang tanong?

Maglalaro naman sa kabilaan sina Rita at Ken sa highly-entertaining na “Whisper Challenge.” Sino ang mas magaling magbasa ng labi: Team Boobay at Ken o Team Tekla at Rita?

Sa letter-reading segment naman na “Dear Boobay and Tekla,” ang viral sensation na si Omar “Mayor” Punzalan ng sikat na vlog na “MayorTV” ang magpapamalas ng kanyang galing sa panggagaya ng Orange and Lemons, Hale at Sponge Cola nang live!

Abangan lahat ‘yan sa The Boobay and Tekla Show – ang original comedy show na produced ng GMA Network Entertainment Group. Mapapanood ito tuwing Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending