Alden sumabak na sa taping ng ‘The Gift’, dinumog ng fans sa Divisoria | Bandera

Alden sumabak na sa taping ng ‘The Gift’, dinumog ng fans sa Divisoria

Jun Nardo - August 09, 2019 - 12:50 AM

ALDEN RICHARDS AT JO BERRY

LUMARGA na si Alden Richards sa taping ng bagong niyang Kapuso soap na may working title na The Gift.

Sa nakuha naming impormasyon, sa Divisoria naganap ang first taping day ng serye at nakasama niya sa eksena si Jo Berry. Gaganap na guardian ni Alden si Jo ayon sa kuwento dahil nga bulag ang Pambansang Bae sa The Gift.

Siyempre, dahil maraming tao sa location, bantay-sarado ang buong cast. Pero hindi naman naging mailap sa mga taong nasa taping ang binata dahil nakipagtsikahan at nakipag-selfie pa siya sa mga nagtitinda at namimili sa lugar na ‘yun, huh!

Samantala, ang ka-loveteam naman ni Alden sa Kalyeserye noon ng Eat Bulaga na si Maine Mendoza ay um-attend sa storycon ng festival movie nila ni Vic Sotto.

Base sa mga litratong nakita namin, kabilang din sa cast ng MMFF 2019 entry nina Bossing at Meng ang Kapamilya stars na sina Jake Cuenca at Pokwang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending