Vice kay Ion: Masarap siya magmahal, mahal ko siya!
HINDI pa rin diretsong inamin ni Vice Ganda kung boyfriend na ba niya ngayon si Ion Perez.
Na-hot seat ang TV host-comedian nang bigla siyang tanungin ni Rufa Mae Quinto sa Showtime kung dyowa na ba talaga niya si Kuya Escort. Isa sa mga naging hurado sa “BidaMan” segment si Rufa Mae at dnapansin niya na kahawig ni Ion ang isang contestant.
Kaya ang tanong ni Rufa Mae kay Vice, “Teka, boyfriend mo ba siya, si Ion?” na sinundan ng malakas na sigawan ng audience. Halatang na-shock ang Unkabogable Star sa question ni Rufa Mae.
Aniya, ang jowa raw talaga niya ay si Ate Girl (Jackie Gonzaga). Pero bigla siang humirit ng,
“Masarap siya magluto. Masarap siya magmahal. Mahal ko siya. Char!” Kaya naman palakpakan at tilian ang mga taong nasa studio ng Showtime.
Matagal nang napapabalita na magkarelasyon na ngayon sina Vice at Ion pero hanggang ngayon ay wala pa ring diretsong kumpirmasyon mula sa dalawa. Pero base sa mga kilos at tinginan nila sa Showtime at sa mga sweet photos nila sa Instagram. mukhang sila na nga!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.