Reklamo sa discount cards | Bandera

Reklamo sa discount cards

Liza Soriano - August 07, 2019 - 12:15 AM

SUMAINYO ang blessing ng Poong Maykapal.

Nais ko pong iparating sa inyo ang maling ginagawa ng SM at Puregold sa mga consumers nila.
Hundreds of thousands ang bumibili ng SM Advantage card at Puregold card pero pagdating ng one year ay expired na ang mga binili naming card so, bibili na naman po kami ng bagong cards.
Kaya po sa pamamagitan ng liham kong ito sa Action Line sana ay makarating sa kinauukulan ang aming hinaing.
Hindi po ninyo naitatanong ang cards ng Mercury Drugstore at Southstar Drugstore ay forever ang gamit ng aming biniling card na P100.
On behalf of all consumers, sana ay matulungan ninyo kami.
God bless po uli sa mga behind sa Action Line.
Gumagalang at nagpapasalamat,
Loreto M. iIlagan
161 Hermanos st., San Antonio,
Cavite City

REPLY: AGAD po namin na ipaparating sa kinauukulan ang inyong hinaing.
Makakaasa po kayo ng agarang kasagutan mula sa Aksyon Line.
Maraming salamat po sa patuloy na pagtitiwala sa aming pahayagan.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending