Aktor minalas ang career dahil sa babae, init ng katawan
NAKAPANGHIHINAYANG naman talaga ang nangyari sa paangat na sanang karera ng isang guwapong male personality pero nadiskaril pa ‘yun nang dahil lang sa pag-ibig.
Sinugalan siya ng isang network, binigyan ng magagandang proyekto, mabilis siyang nakilala dahil sa kanyang kaguwapuhan at unti-unti na ring paghusay sa pag-arte.
Pero ang lahat ng mga susunod pa sanang magaganap sa kanyang career ay nadiskaril, nagpatalo ang male personality sa kanyang emosyon, nagsama sila ng isang female personality na hindi gaanong kagandahan ang imahe.
Ngayon ay isa na lang siya sa marami, nagkakaroon pa rin naman siya ng mga trabaho, pero lumipad na ang pag-asa ng mga tumutulong sa kanya na isang araw ay aangat nang malayung-malayo ang kanyang career.
Kuwento ng isang becking source na dating malapit sa guwapong male personality, “Sayang na sayang ang career niya na pinaghirapan hindi lang niya, kundi ng mga taong sincere ang pagmamahal sa kanya.
“Nang dahil lang sa babae e, pinabayaan na lang niya ang paganda na sana nang paganda niyang career.
May mga plano na sa kanya ang isang malaking production, nandu’n na ang lahat ng mga plano, pero nawala pa, lumipad ang opportunity, dahil nga sa katigasan ng ulo niya!
“Ang dami-daming naghihintay ng ganu’ng pagkakataon, kanyang-kanya na dapat ‘yun, pero pinabayaan pa niyang makalampas,” napapailing na kuwento ng aming source.
Ngayon ay nandiyan pa rin naman ang guwapong aktor, pero ang mga trabahong ginagawa niya ay hindi na ang planong pagbibidahan na sana niya, kaya ang dami-daming nanghihinayang sa career niya.
“‘Yun ang karaniwang nangyayari sa mga artistang hindi nag-iingat, nagpapatalo sila sa emotion at init ng katawan nila. Hindi nila naiisip na minsan-minsan lang dumarating ang napakagandang opportunity.
“Sayang na sayang siya, nandu’n na dapat siya, e! Ngayon, one of those na lang tuloy siya, hindi na siya ang bumibida, nakapanghihinayang talaga ang career niya!
“Guwapo siya, marunong siyang umarte, pero wala naman siyang disiplina, sayang talaga! Mark my word, kapag hindi niya binago ang mga pinaggagagawa niya, e, walang mangyayari sa kanya.
“And mark my word again, he can be a new man kung magbabago siya,” pagtatapos ng aming source.
Bigay na bigay na kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, nandiyan na ang sagot kung sino siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.