Ellen sinaktan daw ni John Lloyd nang malasing kaya lumayas kasama ang anak? | Bandera

Ellen sinaktan daw ni John Lloyd nang malasing kaya lumayas kasama ang anak?

Cristy Fermin |August 07,2019
facebook
share this

Ellen sinaktan daw ni John Lloyd nang malasing kaya lumayas kasama ang anak?

Cristy Fermin - August 07, 2019 - 12:20 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

Isa pang sikat na aktor na hinihintay na magsalita ngayon ng publiko ay si John Lloyd Cruz. Maraming nakaabang sa kung ano ang kanyang ipo-post.

Kalat na kalat na kasi ang kuwentong iniwan siya ni Ellen Adarna na nasa ibang bansa ngayon kasama ang kanilang anak, nagising na lang daw isang umaga ang sexy star na ayaw na nitong makisama kay Lloydie, ganu’n ang kuwentong lumabas.

Nakapagtataka ang ganu’ng senaryo dahil walang bagay na biglaan sa mundong ito. Lalo na sa hiwalayan ng magkarelasyon, nauuna muna ang mga argumentong hindi na nagagamot, kapag punumpuno na ay saka pa lang sila magdedesisyong magkani-kanyang buhay na.

Siguradong bago nagdesisyon si Ellen na lumabas na sa kanilang relasyon ay sukdulan na ‘yun. Dumaan muna sila sa maraming pagsubok, hanggang sa hindi na nila kinaya ang lahat, kaya naghiwalay na sila.

May kuwentong lumabas na minsang malasing ang aktor ay nagkaroon sila nang matinding away ng sexy star. Ang salitaan ay nauwi diumano sa pisikalan. ‘Yun diumano ang dahilan kung bakit nilayasan na ng seksing aktres ang ama ng kanilang anak.

Baka naman magkaibang bansa lang ang pinasyalan ng dalawa. Sa Vietnam nagpunta si Lloydie, si Ellen naman ay nasa Bangkok kasama ang baby nila, baka naman sa pagbabalik nila ng bansa ay sila pa rin naman pala.

Sana nga!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending