Palasyo nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa trahedya sa karagatan sa Iloilo
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Palasyo sa nangyaring trahedya sa Iloilo matapos namang umabot na sa 31 pasahero ang namatay sa paglubog ng tatlong bangka sa Iloilo.
Kasabay nito, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dapat ay maging aral ito sa mga otoridad nang hindi na maulit ang kaparehong insidente matapos namang payagang makalayag ang mga sasakyang pandagat sa kabila nang nararanasang mga malalakas na pag-ulan.
“That’s why. I think whoever is responsible for securing the folks during storms should exercise more prudence, caution, and should give the people more guidelines relative to facing this kind of disasters,” sabi ni Panelo.
Idinagdag ni Panelo na hindi pa batid kung pupunta si Pangulong Duterte sa mga Iloilo para makiramay sa mga namatay.
“Given the character and style of the President, that’s a probability. Meanwhile, we condole with the families of the victims that perished on those mishaps,” ayo pa kay Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.