MALIIT umano ang posibilidad na mag-land fall ang bagyong Hanna, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Palalakasin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Pangasinan, Bataan, Rizal, Cavite, Batangas, Mindoro provinces, hilagang bahagi ng Palawan, Romblon, Aklan, at Antique.
Ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 70 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras patungong hilagang kanluran.
Kung hindi magbabago ng bilis at direksyon ang bagyo ay maaaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga. Bago magtanghali kahapon ito ay 1,070 kilometro sa silangan ng Infanta, Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.