Ketchup pabor sa pagbabalik ng death penalty; Kit kumontra
Si Ketchup Eusebio lang sa cast members ng Sino Ang Maysala? ang naniniwala sa death penalty.
Na-bring up ang subject ng death penalty dahil sila ay mga abogado sa nasabing teleseryeng magtatapos na next week.
“Ako yes. Para lang po sa akin, by nature siguro, sa kultura nating Pilipino ay kailangan natin na lumalaki tayong mayroong authoritative figure talaga. Kailangan nating natatakot.
“Sa akin lang opinion iyon. Naging effective po i-yon sa aking pamilya so I am speaking on my behalf.
Hindi ko po alam ang opinion ng iba.Until mayroon tayong kinatatakutan doon po si-guro naging iba ang decision-making natin kasi po kapag wala we always tend to be lenient in our ways.
“Dito pinagsisihan, kunyari, ‘Ah, sana nadisiplina ko ang anak ko nang tama.’ Sa akin lang po iyon,” say ni Ketchup.
Si Kit Thompson ay kabaliktaran naman, “Ako hindi ako sang-ayon sa death penalty dahil hindi naman 100% lahat ng nakukulong ay guilty. Sino ka ba para kumuha ng buhay ng isang tao. Para sa akin, hindi ikaw dapat ang magdedesisyon kung oras mo na ba o hindi. Kaya nga may kulungan, ‘di ba? Puwede namang magbago ang isang tao. Naniniwala ako sa pagbabago,” say ni Kit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.