Kit payag maghubo’t hubad sa harap ni Mylene
SIGURADONG magpipiyesta ang mga matrona’t bading sa mga ginawa at ipinakita ni Kit Thompson sa pelikulang “Belle Douleur” kasama ang palaban ding si Mylene Dizon.
Bukod sa pagpapakita ng pwet sa pelikula, matitindi rin ang laplapan at love scene na ginawa nila ni Mylene, ayon mismo sa direktor at producer nitong si Atty. Joji Alonso under Quantum Films. Isa ito sa mga official entry sa 2019 Cinemalaya Film Festival.
Kuwento nga ni Direk Joji sa nakaraang presson ng pelikula, naging issue pa sa shooting nila ang paglalagay ng plaster sa maselang bahagi ng katawan ni Kit. Siyempre, ang daming beki ang nag-volunteer na gawin ito pero sabi ni Direk ayaw naman niyang ma-violate ang aktor kaya ang napiling gumawa ng task ay isang lesbiyana para raw walang malisya.
Sey naman ni Kit, masakit daw ang paglalagay ng plaster, lalo na kapag tinatanggal na pero tiniis na lang daw niya para mas mapabilis ang kanyang mga eksena, kabilang na riyan ang love scene nila ni Mylene.
Sa trailer nito, ipinakita na ang pagpapakita ng pwet ni Kit habang may eksenang naman si Mylene na bumababa sa “harapan” ni Kit para paligayahin ang binata.
Ang “Belle Douleur” ay kuwento ni Liz (Mylene), isang single 45-year-old child psychologist na na-in love sa 22 years old na si Josh (Kit). Dahil sa panunukso ng kanyang mga kaibigan na gumawa ng “something reckless and stupid” dahil hindi na nga siya bumabata, pumayag siyang makipag-sex nang bonggang-bongga kay Josh.
Ayon kay Mylene, “It was a lot of pressure, I think, na tinagu-tago ko na lang sa pagiging malikot. It’s somebody’s dream, e. May pangarap yung tao, ‘tapos pinili ka niya na itawid yung pangarap. So it’s not just, ‘Ay! Trabaho lang ito.’ You’re fulfilling somebody’s dream.”
Tatlo ang maiinit na love scene na kinunan at ginawa ni Atty. Joji para sa movie, “Each love scene has a story to tell. Hindi ko siya ginawa para lang mapahubad ang mga tao.
“In fact, si Kit, sabi ko, mag-cover tayo, maglalagay tayo ng cover-cover (plaster). ‘Direk okey lang ako na wala, sabi sa akin ni Kit. Pero sabi ko, ‘wag mong gawin ‘yan. Malayo pa ang mararating mo, huwag mong ipakita lahat.’ Ako pa ang nagsabi and which is true,” pahayag ng lawyer-producer.
Paliwanag pa niya, “Nirerespeto ko ang mga artista. Mataas ang respeto ko sa kanila. Kaya iniingatan ko sila. Sa tatlong love scene, lahat iyon may rason kung bakit ko ginawa. ‘Yung last is a representation of freedom kaya may nudity.”
Aniya pa, ang “Belle Douleur” ay, “It’s a poignant film about a human being who tries to get out of a—paano ko ba ilalagay—shell that society had put that person. I’m not even referring to her as a woman, it’s a person.”
Ngayong Aug. 3 na (Sabado) ang gala night ng “Belle Douleur” sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP. Pagkatapos ng Cinemalaya filmfest ay mapapanood na ito sa commercial theaters simula sa Aug. 14.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.