GAGANAPIN ang gala night ng mainstream directorial debut ng lawyer producer na si Atty. Joji Alonso, ang “Belle Douleur”, ngayong Sabado, Aug. 3 sa CCP Main Theater.
Sa isang Facebook post ni Atty. Joji, less than 100 tickets na lang ang natitira sa balcony 2 ng CCP Theater. Pinatigil na ng CCP ang pagbebenta ng tickets sa orchestra section habang soldout na ang tickets sa balcony 1.
Bida sa napaka-sensual at matapang na movie si Mylene Dizon kasama si Kit Thompson, ang bagong kinahuhumalingan ngayon ng mga babae, matrona at bekis, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.