Kongresista puring-puri si Coco: Walang pagod, walang reklamo
SINORPRESA kami ng dalaw sa “Take It… Per Minute, Me Ganu’n” ng ilang taon na naming anak-anakan na isa nang kongresista ngayon. Mahal din siya ni Manay Lolit Solis, ang tinutukoy namin ay si Congressman Ronnie Ong ng Ang Probinsyano Party List, pero hindi siya ang nanuntok ng waiter.
Batambata pa si Cong. Ronnie Ong nang makilala namin sa RJ Salon, ang namayapang si Jun Laguardia ang gumugupit sa kanya mula nu’ng nasa elementarya pa lang siya, nu’n pa man ay may loyalty na siya.
Wagi nu’ng nakaraang halalan ang kanilang Party List, nakatuwang nila sa kampanya ang bumibida sa seryeng Ang Probinsyano na si Coco Martin, nakakasama rin nila si Yassi Pressman, aminado si Cong. Ronnie na napakalaking tulong ang nagawa sa kanila ng mga artistang kasama nila sa iba’t ibang lugar.
Kuwento ni Congressman Ronnie, “Saludo ako kay Coco, sobrang professional niya, wala kang maipipintas sa kanya dahil kapag sinabi niya, e, ginagawa niya talaga.
“Wala siyang kapaguran, hindi mo siya maririnig na nagreklamo, kaya naman ganyan siya kasikat at kamahal ng mga tao. Si Yassi, ganu’n din, wala siyang kaarte-arte, saludo talaga ako sa kanila,” nakangiting papuri ng aming kaibigan kina Coco at Yassi.
Kasamahan niyang kongresista sa Ang Probinsyano Party List ang pulitikong nanuntok ng waiter, hinding-hindi ‘yun magagawa ni Congressman Ronnie Ong, napakalayo nu’n sa kanyang pagkatao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.