Jobelle may payo kay Janella: Marami ka pang pagdaraanan | Bandera

Jobelle may payo kay Janella: Marami ka pang pagdaraanan

Julie Bonifacio - July 31, 2019 - 12:35 AM

JOBELLE AT JANELLA SALVADOR

Mistulang reunion naman para kay Jobelle Salvador at mga kamag-anak na sina Maja at Janella ang pagsasama-sama nila sa The Killer Bride.

Tulad ni Jobelle na naging masalimuot din ang lovelife niya when she was younger, matindi rin ang pinagdaanan ni Janella nitong nakaraang taon.

“Medyo napag-usapan namin ‘yung kanyang rebel years and she’s just happy na napagdaanan na niya ‘yun. And she already knows what she wants. Alam na niya ‘yung priority niya. So, ayun, I’m also happy,” pahayag pa ni Jobelle.

Naikwento na rin daw ni Janella sa kanya ang tungkol sa rumored boyfriend niya na si Marcus Paterson.

“Ang sa akin naman, sabi ko sa kanya you don’t need to worry kasi nga bata ka pa. Marami ka pang makikilala. Marami ka pang pagdaraanan. Had I known nga all those years nga na hindi naman ako dapat ma-in love agad, ‘di ba? Dahil ang dami ko pang makikilala. Katulad ngayon, hindi pa ako nag-aasawa,” kasunod ang malakas na tawa ni Jobelle.

Isang beses pa lang daw siyang naikasal. Hindi pala sila kasal ng Japanese father ng bunso niyang anak.

Hindi pa man kami natatapos sa tanong kung payag siyang pakasal sa lalaking mahal niya, itinaas na ni Jobelle ang kanyang kaliwang kamay at itinakip sa kanyang bibig.

Agaw-pansin ang suot na singsing ni Jobelle na may malaking batong diamond sa ibabaw at maliliit na diamonds na nakapalibot dito.

Engaged na siya? Malakas na tawa ang isinagot ni Jobelle sabay pahid ng ilang daliri niya sa tip ng kanyang ilong na tila dini-display ang kanyang engagement ring.

“Ay, huwag na! Nakakahiya,” tanggi ni Jobelle na piktyuran ang kanyang suot na singsing.

“Opo, engaged na po ako,” pagkumpirma ni Jobelle. Pinoy ang fiancé ni Jobelle at taga-Pangasinan. Pero naka-base sa Las Vegas bilang businessman.

Divorce na sa dati niyang marriage ‘yung guy and they’re in a relationship for eight months now. Sa Las Vegas daw ito nag-propose sa kanya six months ago.

Hindi raw niya ipinost sa social media ang ginawang proposal ng kanyang boyfriend gaya ng ginagawa ng ibang celebrity, “Kapag malaking kasalan na. Ayan na. Ha-hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baka next year daw maganap ang wedding nila at kung siya ang masusunod gusto niya na dito sa Pilipinas maganap ang kanilang kasal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending