Alden inalala ang tulong ni Karla: Hindi-hindi ko yun makakalimutan | Bandera

Alden inalala ang tulong ni Karla: Hindi-hindi ko yun makakalimutan

Ervin Santiago - July 30, 2019 - 12:54 PM

ALDEN RICHARDS

HINDING-HINDI makakalimutan ni Alden Richards ang ginawang tulong sa kanya ni Karla Estrada nang minsang maipit sa kompromiso.

Naikuwento ng Pambansang Bae na ang nanay ni Daniel Padilla ang tumulong sa kanya para magawan ng paraan ang kanyang problema na may koneksyon pa rin sa trabaho.

Nag-guest ang Kapuso actor sa morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay kanina at doon nga inalala ng binata ang kabaitan ni Karla. 

Nagkasama raw sila noon sa isang teleserye at nu’ng minsang mag-taping sila ay tumawag sa kanya ang organizer ng isang event na hindi niya mapupuntahan sa Laguna dahil marami pa siyang dapat tapusin na eksena.

“Kasi title holder ako ng Ginoong Laguna way back 2010. Parang nagkakaproblema kami ng assistant ko …kasi kailangan kong um-attend kasi ire-relinquish ko ‘yung title, kumbaga ipapasa. 

“Tapos nagtanong lang si Tita Karla, siguro na-overhear lang niya. ‘Ano ang problema?’ Sabi ko, ‘Kasi Tita, ganito-ganyan, pinapapunta ako hindi ako makaalis.’ Nasa QC kami noon, tapos sa Sta. Cruz, Laguna ‘yung event. Then sabi ni Tita,  ‘Halika, tatawagan ko kung sino ang dapat kausapin.’ 

“Sabi ko, ‘Nakakahiya naman Tita Karla.’ ‘Hindi, hindi, pakikiusapan lang natin.’ So, tinawagan po namin ‘yung organizer, tapos kinausap ni Tita Karla, naayos po lahat. So nakapag-taping po ako, okay lang sa kanila na hindi ako makaka-attend. Hindi ko makakalimutan ‘yon, Tita Karla,” lahad ng binata.

Mensahe naman ni Karla kay Alden, “Thank you and I am very, very proud. At sobrang happy ako Alden sa nangyari sa iyo. I am very, very happy kasi mabait ka rin.”

Pumayag ang GMA 7 na mag-guest  sa Magandang Buhay si Alden para sa promo ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” with Kathryn Bernardo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending