Pa-booking na female star nabuking ng dyowang aktor kaya biglang naghiwalay | Bandera

Pa-booking na female star nabuking ng dyowang aktor kaya biglang naghiwalay

Cristy Fermin |July 29,2019
facebook
share this

Pa-booking na female star nabuking ng dyowang aktor kaya biglang naghiwalay

Cristy Fermin - July 29, 2019 - 12:15 AM

MALALIM at masalimuot pala ang naging dahilan ng paghihiwalay ng isang kilalang aktres at ng isang male personality. Nagtagal sila bilang magkarelasyon pero sa wala rin ‘yun nauwi.

Marami kunong nadiskubre ang male personality tungkol sa mga dating aktibidad ng aktres, ‘yun ang mga impormasyong nakarating sa kanya, na naging ugat ng kanilang hiwalayan.

Kuwento ng aming source, “Palibhasa, e, kailan lang naman nag-artista ang guy, wala siyang masyadong alam tungkol sa showbiz nu’n. Kahit pa marami siyang mga kapamilyang nag-aartista, blangko pa rin siya, kaya marami siyang hindi alam.

“Hanggang sa nagkakilala nga sila nu’ng female personality, naging sila, maayos ang relasyon nila nu’ng una. Maluluma sa kaswitan nila ang suman at mangga, ang napakatamis na honey, ganu’n sila ka-sweet nu’ng mga unang panahon ng relasyon nila!

“Hanggang sa isang araw, hanggang sa one day, may mga nakarating na kuwento sa guy na hindi niya matanggap,” umpisang chika ng aming impormante.

Ang dami-daming impormasyong nalaman ang male personality, galing ‘yun sa mga taong walang dahilan para sirain ang relasyon nila, nagmamalasakit lang ang kanyang mga impormante.

Patuloy na chika ng aming source, “Naku, parang binagsakan ng langit ‘yung guy nu’ng malaman niya ang mga milagro ng girl! Talagang parang gusto na lang niyang mawala sa mundo!

“Nakarating kasi sa kanya ang mga kuwento na nu’n pala, e, gumagawa ng milagro ang girl. Mismo! Kapag pala may matindi siyang pangangailangan bilang inaasahan ng family niya, e, may tinatawagan siyang Boogie Wonderland para siya magkadatung nang mabilisan.

“Natural, hindi ‘yun matanggap-tanggap ng male personality, nagwala siya, hindi kasi nagtapat sa kanya ang girl tungkol sa pinagdaanan niya. Kung nagsabi lang siya sa boyfriend niya, e, baka nga naawa pa sa kanya ‘yun, di ba?

“So, ayun, nag-usap sila nang masinsinan, very emotional ang male personality, maayos siyang nagpaalam sa girl. Puwede pa rin daw naman silang maging magkaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang nakakaloka, e, magkasama pa sila sa isang serye ngayon, pero hindi sila nagkakaroon ng mga eksenang magkasama, pero pareho silang naka-uniform!” clue ng chikadora naming source sa kanyang pagtatapos.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, sinusubaybayan n’yo ang seryeng nandu’n sila, kaya alam na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending