Carla sa kasal nila ni Tom: Malapit na po... | Bandera

Carla sa kasal nila ni Tom: Malapit na po…

Jun Nardo |July 26,2019
facebook
share this

Carla sa kasal nila ni Tom: Malapit na po…

Jun Nardo - July 26, 2019 - 12:22 AM

Naghihintay na lang ng “tamang panahon” sina Carla Abellana at Tom Rodriguez para sa kanilang kasal.

“It’s part of the near future,” ang diretsong sagot ng Kapuso actress nang matanong sa isang interview kung malapit na silang magpakasal ni Tom.
Ayon sa Kapuso couple, feeling nila ay handa na rin silang i-level up ang kanilang relasyon. Ilang taon na rin silang magkasintahan at kasal na lang talaga ang kulang sa kanila.
Inamin naman nina Carla at Tom na nape-pressure na rin sila lalo’t halos lahat ng mga kasabayan at mga kaibigan nila sa showbiz ay may mga sarili na ring pamilya.

“Malapit na po ‘yan, depende kay Tom at only God knows,” dagdag pa ni Carla.

“Siyempre alam ni Tom kasi siya magpo-propose e. Pero napag-uusapan naman na po namin ‘yan at sobrang nakaplano na lang po siya. Only Tom knows,” pahayag pa ni Carla na very soon ay magbabalik-teleserye na rin sa GMA 7.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending