Grab nag-sorry sa 6 na babaeng na-link kay Gerald | Bandera

Grab nag-sorry sa 6 na babaeng na-link kay Gerald

|July 25,2019
facebook
share this

Grab nag-sorry sa 6 na babaeng na-link kay Gerald

- July 25, 2019 - 12:30 AM


NAG-SORRY agad ang Grab Philippines sa madlang pipol matapos gamitin ang paghihiwalay umano nina Gerald Anderson at Bea Alonzo nang dahil kay Julia Barretto para i-promote ang kanilang serbisyo at mga promo.

Idinamay pa ng Grab ang iba pang babaeng naging girlfriend ng Kapamilya aktor.

Inulan kasi ng batikos at pagkondena ang Twitter post ng Grab Philippines na, “Walang kailangang maiwan. Walang kailangang masaktan.

“Sa GrabCar 6-seater, pwedeng magsabay-sabay.” At makikita rito ang mga litrato nina Bea, Julia, Sarah Geronimo, Kim Chiu, Maja Salvador at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Hindi binanggit sa post ang pangalan ni Gerald pero naniniwala ang halos lahat ng nakakita nito na ang tinutukoy sa mensahe ay ang aktor na mainit na pinag-uusapan ngayon dahil sa break-up issue nila ni Bea. Si Julia ang itinuturong third party umano sa hiwalayan ng dalawa.

Sina Kim at Maja naman ay mga ex-girlfriend ni Gerald, habang sina Sarah at Pia ay parehong na-link sa binata.

Ilang minuto lang ang nakalipas, inulan na ng batikos at mga negatibong komento ang Grab, hindi raw makatarungan ang ginawa nitong panggagamit sa mga nabanggit na celebrities para i-promote ang kanilang mga serbisyo. Isa rin daw itong pambabastos sa mga kababaihan na walang kalaban-laban.

At dahil nga nag-viral na ang kanilang tweet at matindi na ang natatanggap nilang pagpuna, binura na ito ng Grab PH kasabay ng kanilang public apology.

“We apologize for running the light! We were in now way encouraging nor condoning disrespect for women and disrespect within relationships.

“We admire the love and loyalty that fans have for all these wonderful women.

“Thank you for reminding us what not to be.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending