Ina ni young actress takot mawalan ng sustento mula sa anak | Bandera

Ina ni young actress takot mawalan ng sustento mula sa anak

Cristy Fermin |July 25,2019
facebook
share this

Ina ni young actress takot mawalan ng sustento mula sa anak

Cristy Fermin - July 25, 2019 - 12:15 AM


IBANG-IBA ang nakikitang dahilan ng mga miron sa sobrang pagdedepensa ng mommy ng isang kontrobersiyal na young actress sa kanyang anak. Obvious daw ang dahilan.

Walang ibang pamimilian kuno ang mommy kundi ang ipagtanggol ang kanyang anak, or else, alam na!

Kailangan niyang gawin ‘yun dahil kung hindi ay mahihirapan na siya sa usapin ng pananalapi.

Kuwento ng aming source, “Dapat lang niyang ipagtanggol ang anak niya dahil ang bagets ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya ngayon. Walang project si mommy, walang kayod, kaya kailangang alagaan niyang mabuti ang image ng anak niya!

“Sa totoo lang, hindi na kasi gaya nang dati ang buhay niya na nasusunod ang mga layaw niya sa ka-live-in niya. Iba na ang sitwasyon ngayon, hindi na malakas ang kita ng love niya.

“So, kanino sila aasa kapag ganu’n? Natural sa anak niyang malakas kumita ngayon, di ba naman? At kapag nasira ang image ng anak niya, e, paano na ang mga raket?

“Paano na ang mga trabaho ng anak niya na milyones ang katapat kung hindi niya idedepensa ang bagets sa mga ginagawang pamba-bash sa kanya?” umpisang chika ng aming impormante.

Hindi na nga masyadong pabolosa ang buhay ng female personality ngayon, hindi na kasi nasusunod ang mga layaw niya dahil tipid-tipid lang ang drama nila ngayon, kumpara nu’n na bonggang-bongga ang lifestyle niya.

Patuloy ng aming source, “Mahilig sa branded stuff si mommy. Dati, basta may bagong labas ng mga paborito niyang brand, e, nasa iba-ibang shops na si madir, buy na nang buy, pero hindi na niya magawa ang ganu’n ngayon.

“Mahina na ang mga patak ng metro ng sustento sa kanya, matumal na, dahil wala nang maraming raket si papa. Kaya ang inaasahan na lang niya ngayon, e, ang ibinibigay ng controversial daughter niya.

“Natural, dahil sa dyunakis niya nanggagaling ang mga biyaya, e, kailangan niyang ipagtanggol ang anak niya! Masarap ba siyang hambalusin ng bareta?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, alam na this!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending