Bianca, Migo ang tindi ng ‘sexual chemistry’ sa Sahaya | Bandera

Bianca, Migo ang tindi ng ‘sexual chemistry’ sa Sahaya

Ervin Santiago |July 24,2019
facebook
share this

Bianca, Migo ang tindi ng ‘sexual chemistry’ sa Sahaya

Ervin Santiago - July 24, 2019 - 01:05 AM

BIANCA UMALI AT MIGO ADECER

GRABE ang “sexual chemistry” ng Kapuso stars na sina Bianca Umali at Migo Adecer.

Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy silang sinusubaybayan ng kanilang fans sa GMA Telebabad series na Sahaya kung saan kasama rin ang ka-loveteam ni Bianca na si Miguel Tanfelix.

Nakita ng manonood ang kakaibang karisma at magic ng tambalan nina Bianca at Migo sa makasaysayang “rain scene” nila sa Sahaya kung saan pareho silang nabasa sa ulan.

Nakausap namin si Migo sa taping ng Sahaya kamakailan at inamin niya na pati sila ni Bianca ay nagulat na ganu’n ang naging dating sa viewers. Paawa effect lang daw sana siya sa eksenang ‘yon, pero doon lumabas ang nagmumurang sexual chemistry nila ng dalaga.

At dahil nga rito, nagkaroon din ng sariling fans ang mga karakter nila sa serye na sina Jordan at Sahaya, ang JorSa. At ayon sa ilang viewers, tangggap nila kung sila ang magkatuluyan sa ending sa halip na sina Sahaya at Ahmad (Miguel).

Ayon naman kay Bianca, natutuwa siya dahil bukod sa BiGuel fans, sinusuportahan na rin ng fans nila ni Migo ang serye. Pero alam n’yo ba na hindi pa talaga super close ang dalawa dahil hindi pa sila nabibigyan ng chance na makapag-bonding nang bonggang-bongga.

“We are both surprised po talaga ni Migo dahil nagkikita at nagkakausap lamang kami kapag mag-eeksena na kami. Ang personal conversation po namin kapag magkasama na kaming naghihintay ng take, nasa tent lang kami kapag tapos na ang eksena. Wait na lang po kayo kung ano ang mangyayari sa JorSah team sa mga susunod na episode,” ani Bianca.

Dagdag pa ng dalaga, naiintindihan niya kung medyo negative ang reaction ng BiGuel fans kapag may mga kilig scenes sila ni Migo, pero naniniwala siya na matatalino na ngayon ang manonood at alam nilang trabaho lang ang ginagawa nila, at walang personalan.

Of course, naiinip na ang fans nila ni Miguel dahil matagal na silang hindi nagkakasama sa mga eksena sa Sahaya, “Oo nga po, naghahanap na rin po ang mga fans namin, pero nasa Tawi-Tawi na si Ahmad, umuwi muna siya sa kampong namin doon para ayusin ang kanyang pamilya at matulungan din ang lolo kong si Alari (Pen Medina).

“Very supportive naman po ni Miguel sa loveteam namin ni Migo, it’s good lamang na pareho kaming hindi nag-close ng chance na makitrabaho sa ibang tao, iyong kami lamang palagi ang magtatambal, mas mabuti iyong iba’t iba ang kasama namin sa mga projects na ginagawa namin,” dagdag ni Bianca.

“Marami pa pong mangyayari sa Sahaya ngayong mag-isa na lang siya dahil pinalayo na niya si Jordan sa kanya at si Ahmad nga ay nasa Tawi-Tawi muna. Abangan po nila ang pagbalik ni Ahmad sa Manila,” dagdag pa ni Bianca.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Excited na rin ang dalaga na mapanood ng publiko ang mga eksena niya bilang dancing mermaid. Isa raw ito sa mga favorite highlights niya sa serye dahil sa wakas ay natupad na rin ang pangarap niyang maging sirena. Patuloy na tutukan ang Sahaya gabi-gabi after 24 Oras.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending