Gerald, Julia sunog na sunog sa socmed; kuyog sa fans ni Bea | Bandera

Gerald, Julia sunog na sunog sa socmed; kuyog sa fans ni Bea

Cristy Fermin - July 24, 2019 - 12:55 AM

JULIA BARRETTO, GERALD ANDERSON AT BEA ALONZO

Sunog na sunog ngayon sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa social media. Hindi lang sila sunog, tupok na tupok sila, dahil sa mga upak ng mga tagasuporta nina Bea Alonzo at Joshua Garcia.

Lalong lumala ang sitwasyon nang mag-post si Bea Alonzo ng kanyang reaksiyon, napakalinaw ng sinabi ng aktres na minsan lang dapat nagkakamali ang tao dahil sa ikalawang beses ay hindi na ‘yun pagkakamali, kundi ginusto na niya.

Malalim ang pinanggalingan ng post ni Bea, parang meron nang ginawa si Gerald na pinalampas lang nito, kaya ang sa kanila ni Julia ngayon ay kalabisan na.

Negatibong-negatibo ang imahe ngayon nina Gerald at Julia, wala silang kasingnega ngayon dahil ang simpatya ng mga kababayan natin ay nakahapay kina Bea at Joshua Garcia.

Matagal nang umiikot ang kuwentong ito, pagbalik pa lang nila mula sa Japan ay pumutok na ang balita, ngayon lang kasi sila nakitang magkasama sa isang party kaya ngayon lang sila natutukan nang husto.

Panay-panay ang paliwanag ng ina ni Julia, ayon kay Marjorie Barretto ay marami naman silang magkakasama sa party ni Rayver Cruz, pero parang wala namang naririnig ang mga tagasuporta nina Bea at Joshua.

Bingi silang lahat sa mga depensa ng ina ni Julia Barretto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending