Aiko biglang pumayat: Strict diet lang ‘to
SCENE-STEALER si Aiko Melendez sa ginanap na 4th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, Hulyo 22. Lutang na lutang ang kanyang ganda sa suot na puting Filipiniana terno.
Kapansin-pansin din na malaki na ang kanyang ipinayat. Kasama si Aiko ng boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun at ang daddy nitong si Zambales 1st District Rep. Jeffrey Khonghun at kapatid na si Subic, Zambales Mayor Jon Khonghun na ayon sa aktres ay, “my second family.”
Ang daming nagulat na payat na pala si Aiko at marami ang nagsabing parang may ipinaretoke ang aktres. Tawa lang ang sagot ng aktres dahil kahit kailan daw ay wala siyang ipinagalaw sa kanyang katawan at mukha, “Strict diet lang ako ate Regs.”
Mukha namang hindi nagpa-liposuction ang aktres dahil hindi naman siya nawala nang matagal at pagkatapos ng kampanya ay naging abala na siya sa taping ng serye niya sa GMA, ang Prima Donnas.
In fairness, may karapatan din namang irampa ni VG Jay si Aiko dahil hindi naman na siya bago sa pulitika, dati nang dumadalo ang aktres sa SONA bilang konsehala noon (3 terms) sa 2nd district ng Quezon City (panahon ni ex Mayor Feliciano Belmonte, Jr.).
Tinatanong nga namin kung may planong balikan ni Aiko ang politika, “Let’s see ate Regs, gusto ko pero tingnan natin kasi matagal pa naman. Dito muna ako sa teleserye, need ko mag-work, matagal din ako walang work. Ha-hahaha!” sabi niya sa amin.
Masaya si Aiko na marami na ang nakapuna na bumalik na ang dati niyang pigura kaya naman labis din niyang pinasasalamatan ang forever designer niyang si Edwin Tan, Jovie Singson para sa make-up niya at ang Gelocibrian para sa magandang ayos ng buhok niya.
Laman halos ng pahayagan sina Aiko at VG Jay dahil nga ngayon lang ulit nila nakitang rumampa sa SONA ang aktres pagkatapos ng termino niya bilang konsehala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.