Captain Barbell, Darna talbog kay Cardo Dalisay | Bandera

Captain Barbell, Darna talbog kay Cardo Dalisay

Ambet Nabus |July 23,2019
facebook
share this

Captain Barbell, Darna talbog kay Cardo Dalisay

Ambet Nabus - July 23, 2019 - 12:31 AM

 

COCO MARTIN

WALANG dudang na-capture na ni Coco Martin with his Cardo Dalisay role ang mga batang Pinoy na hook na hook pa rin sa Ang Probinsyano.

Kaya nang mag-viral ang mga eksenang nag-iyakan ang mga ito (mula sa iba’t ibang panig ng bansa huh!) nu’ng inakala ng lahat na napatay na ni Bungo (Baron Geisler) si Cardo ay mabilis na nagsabi si Coco na huwag nang masyadong pahirapan ang mga bata.

Kaya last Friday, ipinakita ngang buhay pa si Cardo. Siyempre kung may natuwa meron ding mga nainis dahil daw parang ginawa ng superhero (ala-Captain Barbell at Darna) ang karakter niya na ilang beses ng nag-agaw buhay pero buhay pa rin.

Samantala, tinatanong naman ng ilang netizens kung ano na ang nangyari sa reklamo ng ilang manonood tungkol sa mga eksena sa serye kung saan ginahasa at pinatay ang mga babaeng pulis ng grupo ni Bungo.

Parang bigla raw kasing tumahimik ang PNP sa isyu, at wala pa ring inilalabas na official statement ang produksyon ng Probinsyano hinggil dito.

Ayon naman sa aming mga nakausap, mataas na mataas na naman daw ang energy ni Coco na makipag-brainstorm sa creative staff ng serye lalo pa’t very soon ay lalabas na ang karakter ni Judy Ann Santos na balitang gaganap na isang serial killer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending