Vice kay Kalad Karen: ‘Wag kang magtakong kung pang-Jordan paa mo! | Bandera

Vice kay Kalad Karen: ‘Wag kang magtakong kung pang-Jordan paa mo!

Alex Brosas |July 23,2019
facebook
share this

Vice kay Kalad Karen: ‘Wag kang magtakong kung pang-Jordan paa mo!

Alex Brosas - July 23, 2019 - 12:22 AM

VICE GANDA

Riot sa katatawanan ang guesting ng I Can See Your Voice Sing-vestigators Wacky Kiray, Kian Cipriano, Bayani Agbayani and Kalad Karen sa Gandang Gabi, Vice last Sunday.

Noong unang segment pa lang ay napatawa na ang lahat dahil bumuka ang likod ng damit ni Kalad Karen.

“Alam mo, kada nandito ako wala akong bayad. Puro promo,” say agad  ni Bayani.

Napansin ni Vice na sobrang higpit ng bowtie ni Bayani which made the comedian said, “Alam mo mo malapit na akong mamatay.”

Napansin ni Vice na sobrang sikip ng damit ni Kalad Karen, “Alam mo, pumuputok ang likod mo, masikip ang damit.  Ganoon din ang nararamdaman ng hingliliit mo,” say ni Vice.

“‘Yung hinliliit niya parang may cleavage din, ‘no?” say ni Kian.

“Bukas makalawa paggising mo, wala na ang kuko mo.  May sulat na sa sapatos mo, ‘ano ba ang kasalanan namin para parusahan mo kami ng ganito,” say ni Vice.

“Bakla kasi ‘wag ka nang magtakong kung pang-Jordan 11 ang paa mo,” say ni Vice Ganda.

“Mukha ka nang babae pero yung paa mo pang-basketball player,” say ni Kiray.

“Tiis ganda,” sagot naman ng impersonator ni Karen Davila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending