Joshua ni-like ang hugot ni Bea: I’m mute... | Bandera

Joshua ni-like ang hugot ni Bea: I’m mute…

Ervin Santiago |July 23,2019
facebook
share this

Joshua ni-like ang hugot ni Bea: I’m mute…

Ervin Santiago - July 23, 2019 - 12:14 AM

MAKAHULUGAN ang ipinost ni Joshua Garcia sa kanyang Instagram Stories matapos kumalat ang balitang hiwalay na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson nang dahil umano sa ex-girlfriend niyang si Julia Barretto.

Isang simpleng, “I’m mute,” ang naging pahayag ni Joshua na pinaniniwalaang konektado rin sa break-up nina Bea at Gerald. Ngunit ilang oras lang ang nakalipas ay burado na ang post ng aktor sa IG.

Bukod dito, isa rin si Joshua sa mga nag-like sa IG post ni Bea tungkol sa panloloko ng isang taong malapit sa kanya. Hindi man niya binanggit ang pangalan ni Gerald, naniniwala ang mga netizens na para ito kay Gerald.

Sa isa pang IG post ni Joshua, makikita ang screenshot ng isang eksena mula sa Spanish TV series na Money Heist kung saan makikitang magkayakap ang isang babae at lalaki, na may nakasulat na, “You will move on to someone better than me.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending