Ipe sa mga anti-Duterte: Mamatay kayong lahat! | Bandera

Ipe sa mga anti-Duterte: Mamatay kayong lahat!

Ervin Santiago - July 23, 2019 - 12:10 AM

PHILIP SALVADOR

MATAPANG ang naging pahayag kahapon ng veteran actor na si Phillip Salvador laban sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago pa magsimula ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Digong ay nakausap ng ilang reporter si Ipe at dito nga niya nasabi ang mga katagang, “Mamatay kayong lahat” na para raw sa mga taong patuloy na nangnenega sa Pangulo.

Dumating si Phillip sa Batasang Pambansa sa Quezon City para saksihan ang SONA ni Duterte kasama ang mga kaibigan at kapwa supporter ng Pangulo na sina Robin Padilla at Bayani Agbayani.

Natanong ang action star kung ano ba ang inaasahan niyang sasabihin ng Pangulo sa ikaapat nitong SONA, ang kanyang tugon, “Simple lang, ginagawa naman ng Pangulo natin ang lahat para sa ikabubuti ng bansa, para sa ikabubuti ng bawat Pilipino pero binabatikos pa rin siya.”

At para raw sa lahat ng mga anti-Duterte, “Sa inyo pong lahat na bumabatikos, mamatay kayong lahat. Salamat po.”

Napansin naman ng mga naroon na magkakapareho ang suot nilang Barong Tagalog nina Binoe at Bayani, “Kasi kami po ang three musketeers. Pinaglalaban namin siyempre yung tama. Feeling lang namin yun, ha, ibigay niyo na sa amin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending